Lagot! Sharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob kay Robin Padilla

Lagot! Sharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob kay Robin Padilla

- Inamin ni Sharon Cuneta na dismayado siya na wala si Robin Padilla sa kanyang concert

- Nagtampo si Mega sa dating ka love-team dahil inimbita umano nito si Robin ngunit hindi dumating

- Ang kanyang concert para ipagdiwang ang kanyang ika-40 taon sa showbiz ay ginanap noong September 28

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadismaya ang Megastar na si Sharon Cuneta kay Robin Padilla na diumano ay isa sa inimbitahan niya sa kanyang concert na ginanap noong September 28 upang ipagdiwang ang kanyang ika-40 taon sa showbiz.

Inihayag ni Shawie ang kanyang tampo sa dating leading man sa isang post na kung saan makikita silang sweet sa isa't-isa.

Ang netizen na may Instagram username na @sharoniansincebirth_tmu_li ang nagbahagi ng nasabing litrato.

Sa post na ito ay nakalakip din ang isang linya mula sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na "The Hows of Us."

"I may not have found a reason to stay but I found a reason to come back!"

Sa caption naman ng nasabing picture, nakasulat ito, "Tay @robinhoodpadilla wag mo msyado titigan si nay @reallysharoncuneta bka matunaw! Uy! Hahaha. Love you both! #Repost @malunggayworld When you can relate to the story of TheHowsOfUs of KathNiel but you’re a Shabin fan? Another for @direkcathyg for a job well done! PS I love UY too! We love you tay @robinhoodpadilla and Maam @reallysharoncuneta ! #malunggayworld #teammalunggay"

Hindi na napigilan maglabas ng kanyang tampo si Sharon sa comment section nito.

"Hay nako. Nahurt ako. Inimbita ko manood ni walang sagot. Di na ko kilala ang bilis makalimot! Di na mauulit 40th ko. Pero sa abs-cbn ball may time sya. Okay lang napakasaya ko naman nung concert. Pero lam nya naman memory ko parang singlaki ng memory ng elepante. Di makakalimutan. Hmmp. What a disappointment."

Tila naman ipinaliwanag ng fan ang maaring naging dahilan kung bakit hindi nakapunta si Robin.

"Nay nagpost si tay @robinhoodpadilla na naospital cya kasama nung mga pictures nya sa abs cbn ball di lang po namin alam nay kung same date ba ng pgkaka ospital nya yung concert nyo! Love you Nay!"

Sa post ni Robin ng picture na kuha sa ABS-CBN ball, nag comment din si Shawie at inihayag ang kanyang saloobin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lagot! Sharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob kay Robin Padilla

Lagot! Sharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob kay Robin Padilla
Source: Instagram

Binaggit ni Sharon si Robin sa mismong concert nito.

"Nung nagsu-shoot ako ng Unexpectedly Yours...I love that movie and I love Robin. I miss Robin. I don't know where he is."

Si Sharon Cuneta ay kilala sa bansag na Megastar. Marami siyang naging box-office na pelikula lalo na noong kapanahunang mainit ang pagtanggap ng tao sa tambalan nila ni Gabby Concepcion. Ilan pa sa mgaing naging leading men niya ay sina Robin Padilla, William Martinez, Rowell Santiago , Miguel Rodriguez at Richard Gomez.

POPULAR: Read more about Sharon Cuneta here

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Mystica & Xander Ford join forces to revive their careers

Mystica & Xander Ford join forces to revive their careers

Mystica & Xander Ford join forces to revive their careers
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel