Inang may HIV, sumailalim sa liver transplant para madugtungan ang buhay ng anak

Inang may HIV, sumailalim sa liver transplant para madugtungan ang buhay ng anak

- Anim na buwan na raw naghihintay ng liver donor ang sanggol na anak ng HIV positive na ina

- Mahirap ang naging desisyon ng mga doktor kung papayagan nila ang ina na mag-donate ng mismong atay niya para sa kanyang anak na may malubhang karamdaman at kailangan ng liver transplant

- Walang kasiguruhan kung ang sanggol na HIV negative ay di magiging HIV positive matapos ang liver transplant mula sa ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang napakahirap na desisyon ang kinaharap ng mga doktor sa University of Witwatersrand sa Johannesburg sa South Africa dahil sa buwis buhay na gagawin nilang liver transplant ng inang positibo sa HIV sa anak nitong may terminal liver illness.

Nalaman ng KAMI na anim na buwan nang naghihintay ng liver donor ang sanggol at nanganganib na ang buhay kung di pa rin maisasagawa ang transplant.

Inang may HIV, sumailalim sa liver transplant para madugtungan ang buhay ng anak

Dahil sa pangamba na tuluyang ikamatay ng bata ang kawalan ng donor, nagdesisyon ang ina na i-donate ang atay madugtungan lamang ang buhay ng anak.

Ngunit dahil sa ang ina nito ay HIV positive, wala pang kasiguraduhan na di mahawa ang anak nito kahit pa negatibo ang sanggol sa HIV.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa mga doktor, ito ang kauna-unahang transplant mula sa taong may HIV at magdo-donate ng kanyang liver sa sanggol na wala namang HIV.

Naging matagumpay ang transplant ngunit at ang natitirang bahagi ng liver ng ina at maayos naman nang gumana.

Ngunit, pangamba ng mga doktor, maaring naisalba na ang buhay ng sanggol ngayon ngunit may posibilidad naman na mailipat din ang HIV ng ina sa sanggol.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN news, 18.9 % ng populasyon sa South Africa ay positibo sa HIV kaya naman, may mga posibilidad talaga na kulangin ng mga donor na negatibo dito.

Nito lamang taong 2017, 14 na mga bata ang pumanaw kakahintay sa mga donor.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel