Isang babae, humingi ng tulong sa isang vet shop para makatakas sa nangaabusong bf

Isang babae, humingi ng tulong sa isang vet shop para makatakas sa nangaabusong bf

-Desperadong humingi ng tulong ang isang babae sa isang veterinary shop upang makatakas sa kanyang nobyo na nagaabuso sa kanya

-Pasikreto niyang inabot ang isang mensahe sa staff ng vet shop upang hindi mahalata ng nobyo na may dalang baril

-Agad namang umaksyon ang mga taong hiningan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pasikretong humingi ng tulong ang isang babae sa mga staff ng isang veterinary shop upang makatakas sa abusadong nobyo.

Ayon sa report ng facebook page na Sharing si Caring, dumating ang babae kasama ang nobyo sa veterinary shop upang ipa-check ang alagang aso ng biktima.

Ito kasi ang naisip na paraan ng babae upang makatakas siya sa suspek, sa kabila ng banta sa kanya na papatayin siya nito.

Ilang sandali lamang, nagpaalam ang babae sa kanyang nobyo, mula sa kuha ng CCTV ng vet shop, makikita ang babae na may iniabot na maliit na papel sa isa sa mga babae na staff sa shop.

Ayon sa report, nanginginig pa umano ang kamay ng babae ng iabot ang sikretong note.

Agad namang gumawa ng aksyon ang mga staff at palihim na humingi ng tulong sa mga awtoridad.

15 minuto lamang ang lumipas, dumating ang mga pulis at agad na pinuntahan ang suspek.

Sa CCTV sa loob ng kwarto, makikita kung paanong naiyak ang babae matapos mahuli ang abusadong nobyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ikinuwento rin nito kung paanong 2 araw na umano siyang ikinulong ng nobyo at sinasaktan. Tinutukan din umano siya ng baril nito. Ipinakita niya nag kanyang mga pasa at sugat sa mga ito.

Agad na dinala ang babae upang magamot ang sugat, pasa at black eye.

Habang ang suspek ay kinasuhan ng domestic violence, aggravated assault with firearm at false imprisonment.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel