Sanggol na tinapon ng ina mula sa 5th floor ng apartment, himalang nabuhay

Sanggol na tinapon ng ina mula sa 5th floor ng apartment, himalang nabuhay

- Isang sanggol ang tinapon na lamang ng kanyang ina mula sa ikalimang palapag ng kanilang apartment

- Sinasabing isang teenage mom ang ina nito kaya tila naaburido kung anong gagawin sa anak

- Himalang nabuhay ang sanggol at narinig pa nga itong umiiyak sa may sagingan sa likod ng apartment

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umaga ng Oktubre 1 nang makarinig ng iyak ng sanggol ang mga residente ng isang aprtment block sa Thailand.

Nalaman ng KAMI na ang sanggol na ilang oras pa lamang pinanganganak ay tinapon ng kanya mismong ina mula sa ikalimang palapag ng kanilang tinutuluyang apartment.

Sanggol na tinapon ng ina mula sa 5th floor ng apartment, himalang nabuhay

Nang busisiin ng mga residente ang pinagmumulan ng iyak ng sanggol,napag-alaman nilang ito ay nasa likuran ng apartment sa may sagingan at nahaharangan ng dalawang metrong bakod.

Doon natagpuan nila ang sanggol na may pusod pa na nakakabit as kanya at himala itong nabuhay.

Pinaniniwalaang nasalo ang sanggol ng mga dahon ng saging na nagsilbing kutson nito bago ito tuluyang nabali at nahulog. Di rin nagtamo ng anumang malubhang sugat ang sanggol. nagtamo lamang ito ng kagat ng lamok at ilang galos sa pagkakahulog.

Sanggol na tinapon ng ina mula sa 5th floor ng apartment, himalang nabuhay

Ayon sa isang residente roon na si Hang Konhaan, bandang 10:30 ng umaga nang marinig nila ang iyak ng sanggol.

Sa una ay di niya lamang ito pinansin hanggan sa nabalisa na rin ang isa pa nilang kapitbahay at pinuntahan nila ang pinagmumulan ng iyak ng sanggol.

“We found the little baby on the floor and she was crying. There were some broken leaves next to her, which saved her life,” ani Hang.

Kwento pa ng ilang residente roon, nakikita nilan ang ina ng bata noong ito ay buntis pa lamang ngunit di raw nila ito personal na kilala.

Sanggol na tinapon ng ina mula sa 5th floor ng apartment, himalang nabuhay

Samantala, pinaghahanap pa rin ang ina ng sanggol na pinaniniwalaang kapapanganak pa lamang.

Sa ngayon, inieksamin pa rin ang kalagayan ng baby sa ospital para masiguro ang kanyang kalusugan.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Tama o sobra? 10-yr-old, pinarusahan ng ama ang pambu-bully, pinalakad ng 8 kms papuntang eskwelahan

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel