VP Leni Robredo, bumwelta sa pambabatikos ni Pangulong Duterte sa kanya

VP Leni Robredo, bumwelta sa pambabatikos ni Pangulong Duterte sa kanya

- Hindi na napigilan ni Vice President Leni Robredo sagutin ang pambabatikos sa kanya

- Sinabi kasi ni Pangulong Duterte na “mahina” raw siya

- Giit naman ni Robredo ay hindi excuse ang sakit ng Pangulo para maliitin siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na nga ng statement si Vice President Leni Robredo sa diumano’y pangmamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya.

Nalaman ng KAMI na tila hindi raw excuse ang pagkakasakit ni Pangulong Duterte upang maliitin siya nito.

Giit ni Robredo, ang diskarte ng Pangulo ay nagdagdag pasanin lang sa mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Dagdag pa ni Robredo, nasa gawa raw ang tapang at hindi lamang puro sa mga paninira.

Sabi rin ng bise presidente na mas pagtuunang pansin na lang ng administrasyon ang pagresolba sa mga problema ng taumbayan kaysa sisihin ang iba pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong Huwebes kasi ay nabanggit muli ng Pangulo na hindi siya kampante na palitan siya ni Robredo sa kanyang pwesto matapos nitong ikwento ang tungkol sa sakit niya.

"She's very good, she's gentle, pero mahina talaga si Leni," sabi ng Pangulo

"Hindi mahina 'yung utak. Pumasa ng Bar. Mahina sa diskarte and ang sasakay niyan, 'yung left," dagdag niya pa.

Hindi ito ang unang pagkakataong ibinahagi ng Pangulo ang saloobin sa posibleng pag-upo ni Robredo bilang presidente. Naiulat ng KAMI noon na tila willing si Pangulong Duterte mag-resign basta ang papalit sa kanya ay sina dating senador Bongbong Marcos at Sen. Chiz Escudero.

POPULAR: Read more news about VP Leni Robredo here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Di napigilan! Sumabit ang silya sa kisame dahil sa pagbubunyi sa Miss Universe

‘Di napigilan! Sumabit ang silya sa kisame dahil sa pagbubunyi sa Miss Universe

‘Di napigilan! Sumabit ang silya sa kisame dahil sa pagbubunyi sa Miss Universe
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel