Netizens, nag-react sa pagtakbo ni Larry Gadon sa Senado

Netizens, nag-react sa pagtakbo ni Larry Gadon sa Senado

- Kumpirmado na nga ang pagtakbo ni Atty. Larry Gadon sa Senado

- Sabi niya, confident daw siya na mananalo siya sa eleksyon

- Nag-react naman ang mga netizens sa naging desisyon ni Gadon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Read

Inanunsyo na nga ni Atty. Larry Gadon ang kanyang pagtakbo sa Senado sa darating na Halalan 2019. Tila confident nga si Gadon na mananalo siya sa eleksyon dahil ayaw na raw ng mga tao sa “bobo”.

Aniya, "I am very confident of winning kasi 'yung mga tao ngayon ayaw na sa mga bobo."

“If you will look at social media, 'di mo na maloloko ang mga tao sa paarti-artista ng mga bobo,” dagdag pa nito.

Nalaman ng KAMI sa GMA News na ayon sa poll ng Pulse Asia ngayong September, ay pumasok ang ranggo ni Gadon sa 43rd hanggang 61st.

Sabi rin ni Gadon, “Nung 2016, wala rin ako sa survey, pero number 27 ako, 91 percent of votes counted. Ngayon, sa SWS, number 24 ako."

Pero, parang hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang pagtakbo ni Gadon sa Senado.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang comments ng mga netizens sa Facebook page ng GMA News:

“In your dreams Gadon. Hindi mo maloloko mga matalino! Hindi ka Mananalo!!!”

“Tama ka Godon...kaya nga ayaw namin sayo.”

“Ayaw din ng mga tao sa mga aroganteng tulad mo. Hindi ka pa naka pwesto maangas ka na”

“Yes po ayaw nmin sau”

“Palakasan na lng ng apog nito at pakapalan ng mukha ang kailangan pra maboto ka ng tao....”

Naging tampok si Gadon dahil sa kanyang viral video niya kung saan tinawag niyang “bobo” ang mga supporters ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Baguio City.

Si Gadon ang nag-file ng impeachment ni Sereno. Kilala rin si Gadon bilang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit giit naman nito ay ayaw niya ng endorsement nang kahit na sino. Nais niya raw manalo na dala-dala ang sariling pangalan.

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel