Paslit na edad 4, nasawi matapos ma-lock sa loob ng isang condo unit

Paslit na edad 4, nasawi matapos ma-lock sa loob ng isang condo unit

-Nasawi ang isang 4 na taong gulang na bata matapos nitong ma-lock sa loob ng isang condominium unit

-Ayon nanay ng bata na caretaker sa unit, mabagal daw ang naging pag-aksyon ng staff ng condo

-Humihingi naman ng tulong ang ina ng kawawang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang malagim na aksidente ang naganap sa isang condominium building sa Parañaque City noong August 31. Ito'y dahil sa pagkasawi ng isang 4 na taong gulang na bata, mula sa report ng The Asian Parent Philippines.

Ayon sa kwento ng ina ng bata, na caretaker ng isang condominium unit, naglilinis siya noon kasama ang kanyang anak.

Binigyan niya ito ng pagkain at tsaka ini-on ang TV upang magawa niya ang kanyang mga gawain. Nang itatapon na umano niya ang pinagwalisan, inakala nitong nakasunod sa kanya ang anak ngunit naiwan pala ang bata at 'di sinasadyang na-lock sa loob ng unit.

Sinubukan umano niyang pabuksan ang pinto sa kanyang anak ngunit dahil sa batang edad, hindi umano nito iyon mabuksan.

kaya naman nagdesisyon siyang humingi ng tulong sa staff sa lobby ngunit pagdating niya doon ay kailangan pa umano ng request mula sa engineering. pagdating naman sa engineering, kailangan pa daw ng locksmith at magfill out ng request.

Nagmakaawa na umano siya sa mga ito dahil nag-aalala na siya sa anak at ayon sa engineering ay nasa 45 minto pa bago makarating ang locksmith.

Sa kawalan ng magagawa, binalikan niya ang anak. Nasalubong pa umano nito ang isang janitor at tinanong kung anak ba niya ang batang umiiyak at kinakalampag ang pinto ng paulit-ulit.

Nang subukan nitong tawagin ang bata mula sa labas ay hindi na daw sumagot ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa dumating na ang locksmith, at nakapasok na sila loob. Hindi na daw nila makita ang bata sa loob ng unit. Maya-maya pa'y nakita nila itong naksabit na sa metal grills ng unit pagsilip nila sa balcony.

Itinakbo naman daw ito sa ospital ngunit dahil sa tinamong mga injuries ay nasawi ito

Ayon sa ama ng bata, maaaring nagpanic ito kung kaya naman sinubukan nitong lumabas mula sa balcony.

Matinding lungkot at pagdadalamhati ang nararamdaman ng ina at ayon pa ditro, kung natulungan sana siya agad ng staff ng building ay maaaring buhay pa ang anak niya.

Ayon pa rin sa report ng The Asian Parent, na-cremate daw ang labi ng bata ngunit hindi pa mailagak sa columbarium dahil na rin sa problemang pinansyal.

Humihingi rin ng tulong ang ina ng bata dahil sa pagkamatay ng kanyang anak.

Paslit na edad 4, nasawi matapos ma-lock sa loob ng isang condo unit

Photo source: The Asian Parent Philippines
Source: Facebook

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
The man behind the famous comic "Pugad baboy"

The man behind the famous comic "Pugad baboy"

The man behind the famous comic "Pugad baboy"
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel