Online world, nag-ingay sa bagong Miss Asia Pacific International 2018

Online world, nag-ingay sa bagong Miss Asia Pacific International 2018

- Isang magandang balita na naman ang natanggap ng Pilipinas dahil isang Pinay pride naman ang namamayagpag sa international beauty pageant stage

- Si Miss Philippines' Sharifa Akeel ang kinoronahang Miss Asia Pacific International 2018, kani-kanina lang, ayon pa sa balita

- Ang magadang binibini ay ang ika-limang Filipina umano na nanalo sa limang dekadang international beauty pageant na ito at dahil dito ay bumuhos ang samu't saring reaksyon online

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon nga sa balita na naispatan ng KAMI, ang Sultan Kudarat beauty na si Sharifa Akeel ang nag-uwi nga sa korona ng Miss Asia Pacific International 2018 kamakailan lang.

Dagdag pa sa ulat ng ABS-CBN News, ika-limang Filipina na kinoronohan si Akeel sa naturang limampung taong gulang na international beauty pageant.

Lumabas lang nama na si Miss Philippines' Sharifa Akeel ang pinakamagaling at truly confidently beautiful with a heart and brain sa 49 other candidates sa pagtatapos ng 4-hour finals night ng Miss Asia Pacific International 2018.

Ito ay ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay noong Huwebes.

Si Akeel succeeds Francielly Ouriques ng Brazil and Miss Asia Pacific International 2017.

Ang kanyang mga runners-up ay kinakabilangan nina, in order, Miss Brazil Gabriela Palma, Miss Costa Rica Melania Gonzales, Miss Mongolia, Misheelt Narmandakh, at Miss Venezuela Marani Angarita.

Apat na mga Pinay beauty queens ang kinoronahan bilang Miss Asia Pacific International bago pa man kay Akeel.

Sila ay sina Maria del Carmen Ines Zaragoza noong 1982, Gloria Dimayacyac noong 1983, Lorna Legaspi noong 1989, at Michelle Aldana noong 1993.

Ang naturang international beauty pageant ay naitatag noong 1968 at nag-evolved sa loob ng ilang dekada na sinalihan ng mas marami pang mga bansa, na orihinal lang ay sinasalihan ng mga bansa sa Asya at Oceania.

At dahil rin dito ay nag-ingay ang online world sa bagong tagumpay na ito ng Pilipinas.

"Congratulations Philippines again after 25 years of waiting. 50th Golden years of MAP foundation anniversary is worth a celebration for pageant enthusiast Filipinos!"
"Deserve nya yan. Kasi sobrang bait nya na anak..At sobrang ganda at matalino."
"Pag may beauty and brain nga naman,talagang walang imposible sa kabila ng maraming nang babash sa kanya nananatili siyang matapang, mapag-unawa,at marunong mag respeto sa kapwa nya,kahit sobrang sakit na ng mga sinasabi ng iba, she is still calm,kaya pinagpala."
"Sa wakas after 25 long years pinanalunan natin ulit ito ..
I [am] more than happy kasi nabigyan ng pagkakataon ang isang muslim n[a] babae na magkaroon ng tinig, mukha at karapatan na gawin ang kanyang nais ..na matagal n[a] panahon pinagkait sa kanila .. naway ito ang simula na mabigyan pansin ang mga babaing muslim sa ibang bansa na walang karapatan magsalita at ipaglaban ang kanilang karapatan mabuhay at pumili ng landas na tatahakin .."
"Well deserved win! CongratuLations Ms. Lebak SuLtan Kudarat Queen! Beauty and Brains!"
"Wow..nakakaiyak sa saya,nkaka proud.. congratulations Ms,Sharifa were proud of you.."

Bumuhos rin ang ang maraming hindi magagandang komento at reaksyon sa pagsali ni Sharifa Akeel sa kompetisyon dahil diumano'y bawal raw sa Islam ang magpakita ng parte ng katawan.

Ito ayon sa mga komento na dumagsa sa Facebook post ng ABS-CBN News tungkol sa balita.

Ani pa ng isang netizen:

"Kung alam mo eh alam mo naman siguro na bawal sa islam ang mag pakita ng parte ng katawan? Kaya kung sinasabi niya ns muslim siya tapos halos mag hubad na siya. Mahiya naman siya na sabihin niya na muslim siya"

Pero saad naman ng isang netizen tungkol sa usaping ito:

"not all of the muslims are bashing her most of us are giving her support and taga mindanao is so proud of what sharifa shown in that pageant her beauty should be the beauty of our country."

Ika nga nila, kahit ano pang mabuti ang gawin mo, may ibang tao talaga na hahanapin o maghahanap ng iyong kamalian.

Ang sa amin lang dito ay, congratulations Miss Philippines' Sharifa Akeel for winning the Miss Asia Pacific International!

You're truly confidently beautiful with a heart!

Una na naming binahagi ang pagkorona kay Miss Philippines' Sharifa Akeel bilang ikalimang Pinay na tinanghal na Miss Asia Pacific International, kamakailan lang.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel