Oh no! Inflation rate nitong September 2018 mas tumaas pa

Oh no! Inflation rate nitong September 2018 mas tumaas pa

- Mas tumaas ang naitalang inflation rate noong September kaysa noong August

- Mula 6.4% ay umabot na nga ito ng 6.7%

- Mas mataas naman ang inflation rate ng mga probinsya sa labas ng NCR

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed Mas tumaas ang inflation rate na naitala nitong September 2018. Umabot na nga ito ng 6.7% kumpara noong August na 6.4% ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nalaman ng KAMI na ang 6.7% inflation rate ay mas mababa naman sa forecast ng mga economists noon sa Reuters poll na 6.8% at forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 6.3-7.1%. Ito na ang pinakamataas na naitala sa loob ng halos 10 years simula noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa PSA, ang pagtaas ng inflation rate ay dala na rin ng pagtaas ng persyo ng mga pagkain at sa transportasyon.

Base naman sa report ng Rappler ay bumaba naman sa 6.3% ang inflation rate sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 7% noong nakaraang buwan.

Oh no! Inflation rate nitong September 2018 mas tumaas pa

Photo from Rappler
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, mas tumaas din naman ang inflation rate sa mga lugar sa labas ng NCR nitong September. Ilan na nga dito ang pagtaas sa Bicol region na 10.2%, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na 9% at 8.6% naman sa Ilocos region.

Inaasahan naman ng mga economists noon pa lang na mas tataas nga ang inflation rate noong September dahil sa hagupit ni Bagyong Ompong na maraming agricultural goods ang sinalanta.

Naiulat nga ng KAMI noon na umabot ang inflation rate noong August ay 6.4%. Sinigurado naman ng Duterte administration na ginagawa nila ang lahat upang maibsan ang patuloy na pasakit sa mga Pilipino.

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel