Kontrobersyal na test paper ng grade 2 students, 'di angkop ayon sa DepEd at PNP

Kontrobersyal na test paper ng grade 2 students, 'di angkop ayon sa DepEd at PNP

-Kumalat sa social media ang post ng isang ina na nabahala sa mga tanong sa isang long test ng kanyang anak

-Ayon sa DepEd, hindi ito angkop para sa mga kabataan

-Inalmahan naman ng PNP ang nasabing issue

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang viral post sa social media ng isang inang nabahala sa mga tanong sa Filipino long test ng kanyang grade 2 na anak, sinabi ng Deped na hindi nga angkop ang mga ito para sa kabataan.

Samantalang ang PNP naman umalma din sa issue na ito.

Ilan sa mga tanong ay:

Masama ang extrajudicial killing.

'Di konstitusyunal ang pagpatay.

Matataba at malalaki ang tiyan ng mga pulis.

Abusado ang mga pulis.

Pulang-pula ang dugo na nagkalat sa sahig.

Ilan sa mga magulang na nakapanayam ng GMA News, nagulat din sa mga tanong na ito. sangayon sila na hindi ito angkop para sa mga bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nililigaw nila o nilalason ang kaisipan ng mga estudyante," ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar.

"Tayong mga magulang at tayong mga guro we are considered the second parents of our children so let's teach them and educate them on what is right and what is good for the nation," sinabi naman ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde.

"Ang hirap dito ay hindi natin ito makokontrol dahil nasa teacher yung kanyang approach, methodology or kung ano yung intention niya sa paglagay ng test questionnaires dito," ito naman ang naging pahayag ng DepEd.

Samantala, ayon naman sa uploader ng kontrobersyal na post, pinili niyang 'wag munang i-reveal ang school na ito upang mapangalagaan ang mas nakararami.

Nakausap na daw nito ang guro na siyang gumawa ng mga tanong sa test paper, at inamin nito ang pagkakasala. Humingi na rin ito ng pasensya sa nagawa at sinabing wala itong anumang galit sa mga kapulisan.

Sa kasalukuyan ay idudulog muna ito sa DepEd ayon pa rin sa uploader.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel