Maxene Magalona, inalala ang kaarawan ng kanyang ama na si Francis M

Maxene Magalona, inalala ang kaarawan ng kanyang ama na si Francis M

- Inalala ng Kapamilya aktres na si Maxene Magalona ang araw ng kapanganakan ng kanyang namayapang ama, ang Pinoy King of Rap na si Francis M

- October 4, pala ang birthdate ng Presidential Medal of Merit recipient na sumikat sa kanyang maka-Pilipinong mga awit na kanyang mga komposisyon

- Nagtrending ang post ng Playhouse actress sa kanyang Instagram, kung saan kasama niya ang kanyang mister at suot suot nila ang isang t-shirt na nakaimprinta ang mukha ni kanyang ama

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Parang kailan lang nang naririnig pa natin sa radyo ang mga musika ng isa sa Ultimate OPM icons na si Master Rapper na si Francis Michael Durango Magalona o mas kilala sa pangalang Francis M sa showbiz.

At parang kailan lang din na nakikita natin siya bilang isa sa mga dabarkads sa Eat Bulaga.

Halos isang dekada na simula nang namaalam ang isa sa mga haligi ng musikang Pilipino.

Kaya tila hindi na namamalayan natin na October 4 pala ang kaarawan niya.

Ngunit, hindi ang kanyang pamilya at mga anak.

Sa katunayan naispatan ng KAMI ang isang heartwarming birthday message ng kanyang anak sa Instagram account nito.

Ani pa ni Maxene sa caption niya:

"Happy birthday, pop! Love, your daughter and son-in-law #throwbackthursday #tbt"

Nagpost si Maxene ng isang litrato nila ni Rob na nasa ibang bansa at suot suot ang twinning shirt na may mukha ni Francis M na nakaimprinta.

Dumagsa rin ang mga tagahanga ng yumaong Master Rapper sa comment box ng naturang post.

"Isang pagpupugay sa nag iisang Hari ng industriya ng Rapper sa ating bansa..Salute Francis M.Maligayang Kaarawan still no.1"
"To the man from Manila"
"Oh my God I love Francis M. Happy Birthday in heaven!!!"
"Happy Birthday King of Pinoy Rap #FrancisMForever"

Ang iba naman ay gusto rin makakuha ng t-shirt na suot suot ng mag-asawa na may mukha ni Francis M.

Nagbahagi din si Maxene ng isang throwback picture noong baby siya kasama ang kanyang daddy.

At sa huling post niya, pinakita niya ang pagbisita niya kasama ang mister at mga kapatid.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel