21 Gorgeous celebrities na kering-keri din ang short hair cut

21 Gorgeous celebrities na kering-keri din ang short hair cut

Ika nga ng mga hairstylist o taga-gupit ng buhok, lahat ng hugis ng mukha ay may naaangkop na uri ng hair cut.

Pero may iilang mga artista na matapang na sinusubukan ang iba't ibang uri ng hairstyle o gupit ng buhok.

Ito ay dahil na rin sa kanilang trabaho bilang artista na kailangan diumano maging palaging bago o fresh at exciting sa mata ng kanilang mga tagahanga o tagapanood.

Kay ngayon ay sinilip pa ng KAMI ang 21 more gorgeous celebrities na trulili kering-keri din ang short hair cut.

Ang listahang ito ay una naming naispatan sa GMA News Online at sa mga Instagram accounts rin ng mga artistang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Sarah Geronimo

Hindi din nagpahuli ang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo sa pagpagupit ng buhok na maikli na maikli.

2. Jessy Mendiola

Long hair o short hair man yan, likas na maganda talaga si Jessy Mendiola.

3. Heart Evangelista

Sa liit na hugis ng kanyang mukha at angking pretty face ng Darling of the Philippines ay talaga namang lalo siyang naging pretty with short hair at bumata.

4. Dawn Zulueta

Ang isa pang walang kupas ang ganda si Dawn Zulueta na may baong haircut sa pag-attend niya sa ball kamakailan lang.

5. Jodi Sta. Maria

Speaking of pretty face, kahit anong style o kulay ng buhok siguro win na win pa rin si Jodi Sta. Maria dito.

6. Alice Dixson

Sa usapang walang kupas ang ganda, nangingibabaw si Alice Dixson kaya kahit short hair man yan at walakng ka makeup makeup ay super gorgeous naman talaga niya.

7. Maricar Reyes-P00n

Isa sa pinakacool at trendy na malinis na magandang short hair cut na aktres ay walang iba kung hindi si Maricar Reyes.

8. Solenn Heussaff

May makeup man o wala, may prekols man o wala, long hair o short hair man, pretty pa rin si Solenn.

9. Lovi Poe

Hindi din nagpahuli sa kanyang bff na si Heart Evangelista si Lovi Poe sa short hair style at prettilicious naman talaga ang aktres.

10. Isabel Oli-Prats

Preggy goals naman itong si Isabel Oli, ang magandang misi ni John Prats dahil kahit buntis sobrang ganda pa rin at kahit anong buhok ay keri niya dahil likas na maganda naman talaga siya.

11. Rhian Ramos

Isa pang naturally pretty na aktres ay ang Kapuso star na si Rhian Ramos na bago pa lang nagpacut ng kanyang hair, perfect timing sa premiere night ng kanyang pelikula ni Jolo Revilla ang Tres at pagpunta niya sa States.

12. Valeen Montenegro

Short curly hair and a bit of bangs naman ang style ni Valeen Montenegro.

13. Glaiza De Castro

Hindi lang matapang si Glaiza sa pag-atake sa kanyang mga roles pero pati na rin ang kanyang mga istilo lalong lalo na sa buhok at kering keri naman talaga niya ito.

14. Shaina Magdayao

Kahit curly, short hair pa ang buhok ni Shaina ay lalabas at lalabas pa ring pretty dahil likas naman talaga ang kanyang kagandahan.

15. Pia Wurtzbach

Pak na pak! Pang Miss U pa rin ang beauty kahit anong ikli ng buhok ni Pia.

16. Sue Ramirez

Rampa galore din si Sue Ramirez sa kanyang short care, don't care style sa nakaraang ABS-CBN Ball 2018.

17. Donna Cruz

Kahit hindi na masyadong active sa showbiz si Donna Cruz ay winner pa rin ang kanyang mga endorsements at salamat rin sa kanyang Instaram account at nakaka-update tayo sa kanya.

18. Janine Gutierrez

Classic na classic naman ang dating ng beauty ni Janine Gutierrez as in super pretty kahit anong style pa na short hair ang gagawin niya sa buhok niya.

19. Rita Avila

Ang isa pang lalong gumaganda habang tumatagal ang panahon.

20. Angelu De Leon

At kahit mother of 3 na dating TGIS fave na si Angelu De Leon waging wagi pa rin ang short hair sa kanya at talaga naman napaka pretty niya.

21.Kim Chiu

Sa liit na magandang mukha ng Chinita Princess ay talangang kering keri niya ang short hair.

Una na naming binahagi ang 12 superstars sa pinilakang tabing na nag short hair, don't care at looking beautiful as always pa rin.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel