Pinay OFW, ginamit ng ex-bf at siniraan ng kasamahan, sinuwerte

Pinay OFW, ginamit ng ex-bf at siniraan ng kasamahan, sinuwerte

-Masaya at kuntento si Gena sa kanyang buhay ngayon kahit isa siyang overseas Filipino worker at naninirahan malayo sa pamilya

-Bukod kasi sa siniraan siya ng mga kasamahan sa kanilang amo, naloko at pinerahan pa daw siya ng kanyang ex-boyfriend noon

-Sa kabila ng sakit at pagsubok sa kanyang pagkatao, nagawa pa rin niyan umahon at naging maayos ang kanyang buhay hanggang sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Overseas Filipino worker si Gena sa Dubai. Katulad ng maraming Pinoy, hindi naging maganda ang simula niya sa ibang bansa.

Hindi man nakaranas ng pang-aabuso sa mga amo, na sa katunayan ay mabait sa kanya, nakaranas naman daw siya ng ibang pagtrato mula sa mga kasamahan sa trabaho na ibang lahi.

Ayon sa kanyang kwento, siniraan siya ng kanyang mga kasamahan sa kanilang amo. Ngunit dahil sa kanyang tibay ng loob, nagawa niyang baligtarin ang ikot ng kanilang mundo. Siya na ngayon ang pinagkakatiwalaan ng kanilang amo at naisasama pa daw siya sa bakasyon ng mga ito sa ibang bansa.

Hindi lamang ito ang sumubok kay Gena kundi maging ang kanyang buhay-pagibig. Hiwalay na raw sila ng kanyang dating kasintahan kaya niya naisipang magmove on sa ibang bansa. Ngunit dahil daw sa kanyang pagkatanga sa pagibig noon, binigyan niya pa ng isa pang pagkakataon ang kanilang relasyon.

laking pagkakamali ito ni Gena dahil nadiskubre niya ang panggagamit nito sa kanya mula mismo sa bibig ng lalaking minahal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa kwento ni Gena, minsan daw tumawag siya dito ay inakala nitong nag-end na ang linya kaya naman narinig niya nang magtanong daw ang babae ng kanyang karelasyon kung bakit siya tumawag. Ang sagot ng lalaki, para daw siya'y bolahin pa para sa patuloy niyang pagpapadala dito.

Masakit man, kailangan niyang bumangon para sa sarili at sa pamilya sa Pilipinas. Ulila na siya sa magulang ngunit may 6 na kapatid na kanyang tinutulungan.

Kahit na hindi siya maswerte sa pagibig, masaya naman daw silang magkakapatid lalo na kapag magkakasama. Unti-unti naman niyang ipinapatayo ang kanilang bahay.

Nais iparating ni Gena para sa lahat ng ating mga kababayan na OFW, huwag sumuko sa hamon ng buhay sa ibang bansa. Manalangin sa patuloy na paggabay ng Panginoon. Mayroong nakalaan na magandang biyaya kapalit ng mga pagsubok na dinadaanan.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel