GirlTrends' member ng It's Showtime nag-ober da bakod sa GMA at may isiniwalat

GirlTrends' member ng It's Showtime nag-ober da bakod sa GMA at may isiniwalat

- Isang miyembro ng GirlTrends ng It's Showtime ay nag-ober da bakod daw sa GMA at ito nga ay si Kelley Day

- Ang huli ay ex-girlfriend pala ng binatang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual, na nalilink ngayon naman sa ex-PBB housemate na si Maris Racal

- Sa press conference ng upcoming anime series sa GMA-7 na may pamagat na Barangay 143, kahapon ng October 3, ay tinanong ang magandang dilag tungkol sa ex at sa kanyang paglipat

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala naman raw pagsisisi ang dating GirlTrends member na si Kelly Day tungkol sa kanyang paglipat sa Kapuso, ayon sa nalaman ng KAMI sa balita.

Almost 2 years din daw siya naging miyembore ng all-female group na lumalabas sa noontime show ng Kapamilya ang It's Showtime.

Ang grupo ang counterpart daw sa Hashtag members.

Napanayam ng PEP, ang Filipino-British model-turned-showbiz-celebrity noong October 3, sa press conference ng upcoming anime series sa Kapuso network na Barangay 143.

Ang 21 years old na magandang dalaga ay pumirma pala ng kontrat sa GMA-7 noong March ng taong ito, 2018.

Sa That One That Got Away o TOTGA una daw napanood si Kelley sa Kapuso network at ka-partner niya rito ay si Migo Adecer.

Ang rason daw kung bakit siya umalis sa GirlTrends ay ang pagnanais na makagawa siya ng kanyang sariling pangalan sa showbiz at hindi lang makilala bilang ang ex-girlfriend ni Iñigo.

Dagdag pa ng balita, gusto daw ni Kelly na mapansin siya sa kanyang kakayahan at pagpupursigi, tulad umano ng pag-aaral niya ng Tagalog.

Ani pa niya:

“But a lot of times, I’m asked about Inigo."

Dugtong pa niya na ganyan naman talaga kaya nakakaintindi siya.

Pagpapatuloy pa niya:

"It’s up to me to really push myself para, one day, that won’t be what I am anymore."

Sa pahayag ni Kelly ay nasambit daw niya na 6 months daw sila naging mag-on ni Iñigo Pascual at ang kanilang paghihiwalay ay isang mutual decision umano.

Sambit pa niya:

“I learned so much from him. That time, I was still new in the industry and, I think, the time na we had a relationship, we actually helped each other, parang we grew together.Then, parang na-realize namin we’ve grown and now it’s time to keep growing, and this is the way we’re gonna grow [by going our separate ways]."

Medyo mahirap daw iyon kasi she still cares about him also at that time.

“It was a little bit hard. I still care about him also.”

May isang bagay daw siyang natutunan kay Iñigo at ito ay:

“If you just follow your passion, you stick to what you want to do with your career, you will achieve it.”

Masaya naman daw ang dalaga sa success ng ex dahil sinunod daw ni Iñigo ang kanyang passion, at ngayon, hindi na siya kilala bilang Piolo's son kung hindi si Iñigo Pascual mismo.

Masaya raw si Kelley para kay Inigo na unti-unti nang may napapatunayan bilang singer.

Tungkol naman raw sa GirlTrends ay super appreciate naman daw siya sa opportunity na ibinigay sa kanya pero iba daw ang gusto niyang gawin sa kanyang karera.

Ani pa daw niya:

"I decided na parang iba na ang gusto kong gawin sa career ko. I super appreciate yung opportunity na naging part ako ng GirlTrends. Kasi, that really built my confidence, it improved my dancing skills, I made friends, I learned a lot about the industry of showbiz.Nung in-absorb ko na yun lahat, parang na-realize ko na now it’s time to use what I learned and bring it to a different path, that’s why I decided to resign from the group.”

Hindi naman daw basta basta siya nakapasok sa Kapuso dahil dumaan umano siya sa panel screening.

Kaya naman daw happy siya ng mabigyang oportunidad na mapasama sa dating show na TOTGA.

Pero umaasa pa rin ang magandang aktres na makagawa ng kanyang sariling pangalan.

“Because I’m hoping nung lumipat ako, was that I would not just be GirlTrend Kelley anymore, parang I want to be Kelley Day. That was really my goal… to create my own individual image.So, I think yun po ang nangyari sa GMA. It’s still developing pa.If I get noticed in the mall, when I’m out, ‘You’re Kelley from TOTGA.’ Sometimes, parang sabi dati ng mga tao, ‘Ikaw yung isang GirlTrend. Sino ka?’ Parang ganun, they don’t know me individually. That’s why I’m proud of the change of the image.”

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel