Ilang Pinay na nag-apply bilang guro, pagiging kasambahay ang dinatnan na trabaho sa China

Ilang Pinay na nag-apply bilang guro, pagiging kasambahay ang dinatnan na trabaho sa China

-Isang Pinay ang nagreklamo laban sa isang recruitment agency dahil sa pangloloko umano nito sa kanya at sa iba pang Pilipina

-Ayon dito, pagiging English teacher ang inalok na trabaho ng agency sa kanilang post sa internet

-Ngunit pagdating sa China, pagiging kasambahay pala ang dadatnan nilang trabaho doon at nakaranas pa ng pang-aabuso sa amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

English teacher daw ang pangakong trabaho sa ilang Filipina ng isang recruitment agency, ngunit pagiging kasambahay ang kanilang dinatnan na trabaho sa China.

Ayon sa isang OFW na nakapanayam ng GMA News, nakita daw nito ang post ng agency sa internet na may pangakong magandang sahod at no placement fee.

Nakaalis din daw sila agad matapos lamang ang wala pang isang buwan, mas maaga kumpara sa pangako ng agency na 2-3 months.

Ngunit pagdating sa Beijing, may mga kakaiba na daw bilin ang mga ito sa kanila at may pinapirmahan din sa kanilang mga dokumento na wala man lang translation sa English.

Doon na raw kinutuban ang Filipina na nagreklamo. Ngunit wala naman daw siyang nagawa dahil wala naman daw siyang kilala doon.

Pagdating sa bahay ng employer, doon na nito nakumpirma na pagiging kasambahay nga ang kanyang magiging trabaho doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakaranas na rin umano ito ng pangaabuso mula sa amo at pinagtataguan pa ng pagkain. Tuloy-tuloy din daw ang kanilang trabaho at minsan ay pinalabas pa sa bintana na nasa matass na bahagi ng isang gusali para maglinis.

Ipinarating na rin ang sitwasyon ng ating kababayan sa POEA. Muli namang nagbabala ang POEA sa mga overseas Filipino worker na mag-ingat sa mga ganitong agency.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel