Empleyado, tanggal sa trabaho matapos buhusan ng tubig ang isang "palaboy"

Empleyado, tanggal sa trabaho matapos buhusan ng tubig ang isang "palaboy"

- Tanggal sa trabaho ang empleyado ng Dunkin Donuts na nagbuhos ng tubig sa isang lalaking nakiki-charge sa kanila

- Viral ang video ng ginawa ng empleyado na umabot na sa 5 million views

- Agad namang naglabas ng pahayag ang Dunkin Donuts tungkol sa pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa mahigit 5 million views ang video kung saan walang pakundangang binuhusan ng tubig ng crew ng Dunkin Donuts sa Syracuse, New York ang isang palaboy.

Nalaman ng KAMI na nagpapahinga ang lalaki na walang tahanan ngunit maayos pa ang pananamit at nakiki-charge lang din ng kanyang cellphone sa Dunkin Donuts.

Ayon sa Yahoo Philippines, ang lalaki ay nakilalang si Jeremy Dufresne na nakitang natutulong sa sulok ng donuts store.

Makikita sa video kung paano binuhusan ng crew si Jeremy sabay sabi ng "“How many times do I have to tell you to stop sleeping in here?”. Maririnig din sa video ang pagtawa pa ng isa pang crew sa ginawa nila kay Jeremy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Walang laban at kitang labis na nagulat si jeremy sa nangyari kaya ang tanging nagawa na lamang nito ay tumayo at kunin ang cellphone upang makaalis na lamang.

Samantala, karamihan sa 2 million na komento sa video na walang puso ang crew sa kanyang ginawa at dapat lamang na tanggalin ito sa trabaho para magtanda.

Agad namang rumesponde ang Dunkin Donuts at sinabing labis silang nabahala sa inasal ng kanilang empleyado at sinabing tinanggal na rin ang mga ito sa trabaho.

Dagdag pa ng Dunkin Donuts, tututukan din nila ang kanilang mga empleyado sa aspeto ng pagiging sensitibo pagdating sa taong "palaboy" o homeless sa kanilang lugar.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel