Netizens, saludo sa lalaking may cerebral palsy ngunit nagtatrabaho pa rin

Netizens, saludo sa lalaking may cerebral palsy ngunit nagtatrabaho pa rin

- Sinang-ayunan ng mga netizens ang post patungkol sa hirap ng buhay at heartbroken ka na kinumpara sa buhay ng may kapansanan ngunit nakuha paring mangalakal

- Nag-viral ang mga larawan ng lalaking may kaso ng cerebral palsy, ngunit masigasig pa rin na nagtatrabaho

- Hinagaan ng mga netizens ang lalaki dahil sa di nito ginawang dahilan ang kanyang kondisyon para di siya magtrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga larawan ng isang lalaking may cerebral palsy na masigasig pa ring nagtatrabaho sa kabila ng kanyang kondisyon.

Ang cerebral palsy ay isang kondisyon kung saan di maayos ang koordinasyon ng kalamnan na nagbubunga ng inboluntaryong kilos.

Dahil dito, mahihirapan sa ilang bagay ang taong may kondisyon na ganito.

Ngunit hindi alintana ang pagkakaroon ng cerebral palsy sa lalaking nasa viral post na binahagi ng netizen na si Hess Heinrich.

Ang post ay may caption na, "saka mo na sabihin na ang Hirap ng buhay dahil lang sa nag break kayo ng BF/GF mo. He’s a Cerebral palsy victim pero nangangalakal araw araw para lang mabuhay tapos ikaw gusto mo ng mamatay dahil lang sa Broken ka."

Tila ba ito ay isang sampal ng realidad na habang ang iba ay ang pakikipaghiwalay lang ng nobyo o nobya ang pinoproblema, may mga taong mas may mabigat na dinadala. Ngunit di na lang ito iniinda dahil mas may mahalagang dapat gawin sa kanyang buhay gaya nga pagtatrabaho.

Kung tutuusin, di naman na dapat magtrabaho ang gaya ng lalaki na nasa post, subalit nagawa pa rin niyang maghanapbuhay sa paraang alam niya at ito ay ang pangangalakal.

Nadurog man ang puso ng mga netizens, hinangaan naman nilang ang lalaki sa katatagan at kasipagan nito at tiyak na nakakatulong pa rin ito sa kanyang pamilya sa kabila ng kanyang kondisyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kanilang mga reaksyon:

"saludo ako sayo bro"
"salute and respect."
"Salute to u bro. ung iba rally dito, rally duon, puro reklamo, pero ayaw magsumikap. Kakapal ng muka!tsk.."
"Wooooooooooh salute po kuya."
" life must go on."

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat?

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel