Mga celebrities, nagbigay comments tungkol sa pagreresign ni Mocha Uson

Mga celebrities, nagbigay comments tungkol sa pagreresign ni Mocha Uson

- Usap-usapan hanggang ngayon ang resignation ni Mocha Uson mula sa PCOO

- Ilang mga netizens at mambabatas ang nagbigay komento sa pangyayaring ito

- Ngayon naman ay nagkomento rin ang ilang mga celebrities sa issue na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan lang ay lumabas na nga ang balitang nagresign na sa pwesto si dating Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Explanation naman ni Uson na “sacrifice” niya ito sa pang-iipit na ginagawa sa budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa taong 2019.

Sabi rin ni Uson na posibleng tumakbo siya sa Kongreso o Senado sa darating na halalan kung ito ang gusto ng mga supporters niya.

Nalaman ng KAMI na hindi naman nagpahuli ang ilang mga celebrities sa kanilang mga comments tungkol sa naging move ni Uson ayon sa report ng Philippine Star.

Sabi ng aktres na si Aiko Melendez sa kanyang Facebook account, mas mabuti pa raw sana kung tatakbo si Uson dahil gusto nitong tumulong sa mga nangangailangan at hindi para maghiganti lang sa mga diumano’y nambabatikos sa kanya. Dagdag pa ni Aiko na, “I don’t hate Mocha i just don’t like what she is doing.”

Para naman sa aktres na si Agot Isidro, mas nag-sacrifice raw ang mga tao noong nanunungkulan pa si Uson sa gobyerno.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila gulat at mukhang nasiyahan naman ang spoken word artist at aktor na si Juan Miguel Severo nang malaman niya ang balita sa Twitter.

Ngunit bigla namang naundlot daw ang kanyang pagbubunyi at sinabing huwag iboto si Uson kung tatakbo man ito.

Mukhang naging tama rin ang hula ng komedyanteng si Ethel Booba nang mag-tweet ito ukol sa nalalapit na filling of candidacy ng mga tatakbo para sa Halalan 2019.

Biro pa ni Ethel na dapat kung magreresign daw ay hintayin muna ang 13th month pay.

Naglahad din ng opinion ang aktor at handler na si Ogie Diaz matapos tanungin ito kung iboboto niya ba si Uson sa eleksyon.

Hirit ni Ogie, “Oy, baka fake news yan, ha? Pero honestly? Hindi po. Ang iboboto ko po ay yung hindi ginagawang katatawanan ang mga may kapansanan, yung pinagkakaisa at hindi pinag-aaway-away ang mga Pilipino.”

Nagreact din ang indi actress na si Chai Fonacier. Ayon sa kanyang tweet, “Somebody throw her in outer space.”

Nauna nang nareport ng KAMI ang komento ng ilang mambabatas tulad nila Senators Antonio Trillanes, Risa Hontiveros, Nancy Binay at JV Ejercito ukol nga sa pag-alis ni Uson sa kanyang pwesto.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Priceless moment of Catriona Gray & designer Mak Tumang after win touches netizens

Priceless moment of Catriona Gray & designer Mak Tumang after win touches netizens

Priceless moment of Catriona Gray & designer Mak Tumang after win touches netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel