"Nangangapit bahay lang," Beauty Gonzalez sa naudlot na paglipat sa GMA

"Nangangapit bahay lang," Beauty Gonzalez sa naudlot na paglipat sa GMA

- Sa unang pagkakataon ay sinagot na sa wakas ng dating PBB housemate na si Beauty Gonzalez ang tanong ng marami kung anong nangyari sa tila pagkaudlot na paglipat niya sa GMA-7

- Nangyari ang pagsagot ng certified Kapamilya aktres sa media interview ng bagong drama series ng ABS-CBN ang Kadenang Ginto

- Dito ay tinanong siya ng mga press tungkol sa nagtrending na usapin sa paglipat network at sa kauna-unahang pagkakataon ay sinagot ng mother of one ang viral na tanong sa kanya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umattend ang magandang mommy at misis na si Beauty Gonzalez sa press conference ng upcoming drama series sa Kapamilya network ang Kadenang Ginto noong October 3.

Napag-alaman ng KAMI na naitanong ng press ang supposedly paglipat istasyon niya sa GMA-7 noong June ngayong taon.

Ang tawang tugon ni Beauty sa entertainment press, ayon pa sa balita ng PEP.

"Well, I was just being a good neighbor, that's it."

Dagdag pa niya:

"Yes, nangangapit bahay lang. Ano ulam diyan? Ganun. Patikim naman ng ulam diyan."

Dugtong pa umano niya:

"[Ngayon], Balik uli ako sa bahay ko, tulog na muna ako."

Hindi naman ibinulgar ni Beauty ang lahat na detalye tungkol sa nauldot na paglipat pero inamin naman niya na masaya raw siya na nanatili siyang Kapamilya.

Sa katunayan, unang bungad pa lang niya sa isang interview:

"I was always here lang naman, nandiyan lang ako sa gilid gilid."
"Siyempre masaya, parang okay, masayang masaya.

At noong August 2018 ay pumirma ang aktres sa kauna-unahang pagkakataon daw ng isang exclusive contract sa Kapamilya network.

Isang Kapamilya na siya sa loob ng sampung taon pagkatapos makilala sa Pinoy Big Brother.

Ani pa niya:

"I'm happy to be here and dito naman ako nagsimula at dito ko rin naman gustong matapos, basta masayang masaya ako na nandito ako."

Saad din daw niya umano:

"Yes, this is my first contract 10 years after working with ABS-CBN."

Pero sambit niya na mas mabuti na raw na ganito ang nangyari.

Ayon pa kay Beauty:

"Pero you know what, I'm happy na ngayon lang binigay sa akin, kasi kung sa totoo lang, kung binigay nila yun dati sa akin, siguro hindi ko siya naalagaan ng mabuti.Kasi at that time, 'Oh my God, ilang taon lang ako noon—16—ano ba namang alam ko sa trabaho, pagte-taping, pag-aartista, maging seryoso sa work? So tamang-tama lang din na nagmold ako, mas marami pa akong natutunan, nag-grow ako as an actress, naging professional na ako sa work ko so it came at the right time."

Pagtatapos ni Beauty ay grateful naman siya sa blessing na tanggap niya.

"Okay lang! Hello ang daming mga iba na they all want to be here and I'm so lucky I'm here and I'm so lucky with my job.I mean mahirap umiyak, pero sa totoo lang napaka-dali lang talaga, pero I'm so happy and okay na sa kanya na siyempre dalawang taon lang naman, e. Forever naman na kami talaga."

Mapapanood si Beauty sa Kadenang Ginto bilang isa sa mga bida kasama sina Dimples Romana, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Adrian Alandy, and Albert Martinez.

Una naming nabahagi ang bagong teleserye ng Kapamilya network ang Kadinang Ginto kamakailan lang.

Noong nakaraang June, binalita ang pagkawindang nga mga faney nang maispatan ang beauty ni Beauty Gonzalez sa compound ng GMA Network.

At ang mas lalong nakakawindang na pangyayari ng makita muli siya sa Maalaala Mo Kaya pagkatapos mapakilala sa Celebrity Buff ni Eugene Domingo na bagong Kapuso.

POPULAR: Read more news about Beauty Gonzalez here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel