Taray! Mocha Uson, hinamong magharap nang ‘eyeliner to eyeliner’ si VP Leni Robredo

Taray! Mocha Uson, hinamong magharap nang ‘eyeliner to eyeliner’ si VP Leni Robredo

- Tila hindi pa natatapos ang mga tirada ni Mocha Uson at VP Leni Robredo

- Sabi ng kampo ni Robredo mananagot pa rin si Uson kahit na nag-resign na ito

- Hinamon naman ni Uson si Robredo na magharap sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging kontrobersyal ang pagreresign ng dating Presidential Communications Assistant na si Mocha Uson noong Miyerkules. Banta naman ng kampo ni Vice President Leni Robredo ay hindi makakatas si Uson para panagutan ang mga diumano’y kasinungalingan nito at kontrobersiya.

Sabi ng spokesperson ni VP Robredo na si Barry Gutierez ay, “Huwag lang siyang magkamaling isipin na dahil nag resign na siya, hindi na siya mananagot para sa lahat ng kasinungalingan at paninirang ipinasabog niya.”

Nalaman naman ng KAMI sa ABS-CBN News na sumagot na si Uson sa pagbabantang ito. Sa isang interview ng UNTV, sabi ni Uson, “Alam n'yo kung kasinungalingan lang, nako, sino kaya ang totoong sinungaling? Maski nga iyang posisyon n'yo bilang VP ay isang malaking kasinungalingan.”

“Katulad nga po ng sinabi ko, patas na ang laban ngayon. Wala akong tinatago, wala akong kinakatakutan. Magharapan tayo, mata sa mata, eyeliner to eyeliner," dagdag pa ni Uson.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kamakailan lang ay nasangkot sa issue ng ‘pepederalismo’ video si Uson kasama ang blogger na si Drew Olivar. Umani ng maraming batikos ang video na ito at sabi ni Robredo, “Kapag ganito iyong ginagamit na paraan, hindi lang si Pangulo iyong nababastos, pero lahat ng Pilipino.”

“Ganito bang kabastusan iyong pino-promote natin bilang mga Pilipino? Kung kinakailangan na mag-intervene tayo para pahintuin iyong mga ganito, gagawin natin,” dagdag pa ni Robredo ayon sa report ng Inquirer.

Simula pa man ng kampanya noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay patuloy na ang patutsada ni Uson kay Robredo. Noong nahalal bilang bise presidente si Robredo ay nagpost pa si Uson sa kanyang Mocha Uson Blog na babantayan nila si Robredo.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel