11 Mga pahayad sa diumano'y "financial disaster timeline" ni Kris Aquino

11 Mga pahayad sa diumano'y "financial disaster timeline" ni Kris Aquino

Nagulantang ang madlang people nang inanunsyo ng Queen of All Media sa kanyang opisyal na Instagram account ang tungkol sa diumano'y "financial abuse" o "betrayal" ng isang taong pinagkakatiwalaan niya kamakailan lang.

Spotted ng KAMI ang diumano'y 11 mga pahayad o pabatid sa pinag-uusapang "financial disaster" umano ni Kris Aquino sa isang timeline sa isa sa mainit na usapin ngayon sa mundo ng showbiz.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Aming nakita ang naturang "financial disaster timeline" ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa GMA News Online.

Ngayon, ating sisilipin ang pagkakasunod sa mga pangyayari umano sa nakakawindang na diumano'y "financial abuse" na sinambit ni Kris sa kanyang IG post.

1."Financial Abuse"

Noong September 25, 2018, nagpalabas ng isang mahabang statement si Kris Aquino at may kasamang video sa kanyang present financial situation.

2. Ang diumano'y pandadadaya

Ayon na rin sa naunang post ni Kris sa kanyang Instagram account, binahagi niya ang kalungkutan at pagkadismaya tungkol sa diumano'y pandadaya na ginawa sa kanya umano ng kanyang business partner.

3. "Betrayal"

Isiniwalat niya ang kanyang karanasan sa nasabing "financial abuse" at ang "total lack of respect" nang siya raw ay diumano'y dinaya sa dalawa niyang busines ventures, at ito ay ang Nacho Bimby+Potato Corner at ang Snail White.

4. Kris Aquino's businesses

Ang hindi daw alam ng nakakarami ay mayroong ilang negosyo si Kris Aquino bukod sa kanyang mga showbiz-related commitments.

At the present raw, si Kris ay may-ari ng dalawang Chowking branches sa Welcome Rotonda at Ali Mall sa Cubao.

5. Franchises

Bukod sa Chowking raw ay may franchise din umano si Kris ng Mang Inasal sa Anonas.

6. Ang pagbuo ng kanyang mga negosyo outside sa showbiz

Noong 2016 daw ay nakipagkita ang Queen of All Media sa presidente ng Potato Corner na si Joe Magsaysay at nagbahagi na inaabangan na niya ang paglago ng kanyang investment portfolio kasama ang huli.

Dito daw ay pinorsege si Kris na gumawa ng kanyang sariling brand, at tinawag ito na Nacho Bimby+Potato Corner.

7. Ang diumano'y "scheming partner"

Ang pinakahuling business venture daw ni Kris Aquino ay ang Snail White na na-i-launch daw niya sa Bangkok, Thailand noong September.

Datapwa't, ibinalita niya na ito rin raw ay nagdurusa dahil na rin sa diumano'y scheme ng hindi pa pinangangalanang business partner umano.

8. KCAP - Kris Aquino Cojuangco Aquino Productions

Bukod pa sa kanyang mga food businesses, mayroon ding sariling production company si Kris Aquino at ito nga ay tinawag na KCAP o ang Kris Aquino Cojuangco Aquino Productions.

Sa ngayon, nakapagproduced na ito ng ilang content para sa web, na ang karamihan ay may koneksyon o konektado sa kanyang mga endorsements.

Pero, ani pa ni Kris, na hindi naman daw nasali ang KCAP sa nasabing "financial abuse" na kanyang naranasan.

9. Health conditions

Nauna na ring sinabi ni Kris na ang naturang "financial abuse" has taken a toll on her phsyical and emotional well being.

Ani pa niya sa kanyang statement:

"The stress, inability to eat & sleep properly caused my weight to drop to under 54 kilos."

10. Negative results sa medical assessments

Sa isang press statement sa naunang larawan na binahagi niya sa IG, ang trip niya sa Singapore ay para makakuha ng medical assessment sa diumano'y tumors.

Thankfully, lahat naman daw ng test results para sa diumano'y tumor markers ay negative naman daw.

11. Ang pag-anunsyo ng kanyang "legal assistance"

Noong September 25 nga ay nagpost si Kristungkol sa legal assistance na kinuha niya mula sa former solicitor general Atty. Florence Hilbay sa paghahanap ng best legal options para sa diumano'y financial anomalies ng Ultimate Multimedia star.

Unang nagpahayag si Kris tungkol sa "financial abuse" na ito noong inanunsyo niya sa publiko sa kanyang IG account na hindi sya tatakbo sa susunod na eleksyon.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel