13 Kapuso shows sa karera ni Regine Velasquez sa GMA through the years

13 Kapuso shows sa karera ni Regine Velasquez sa GMA through the years

Dahil sa pagpunta ni Regine Velasquez sa ABS-CBN Ball 2018 ay tila mukhang lumakas at tumibay ang mga haka-haka o ispikulasyon sa kanyang tuluyang paglipat.

Hindi pa naman confirmed ang paglipat ni Regine sa Kapamilya network ay naispatan ng KAMI ang 13 shows na tila naglalarawan sa karera ng Asia's Songbird.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Talaga namang namayagpag ang karera ni Regine Velasquez sa GMA Network iblang isa sa pinakatanyag na mang-aawit sa Pilipinas.

Kaya dahil dito ay nagbalik tanaw ang GMA News Online sa 13 Kapuso shows na nagawa ng Asias' Songbird sa nasabing istasyon at tumatak sa mga manonood at sa pangalan ng multi-awarded singer.

1. S.O.P.

13 Kapuso shows sa karera ni Regine Velasquez sa GMA through the years
Credit: Facebook/Regine Velasquez Collections
Source: Facebook

Nakasama ang Asia's Songbrid sa Sunday musical variety show ng GMA ang S.O.P. noong late '90s.

2. Search for a Star

13 Kapuso shows sa karera ni Regine Velasquez sa GMA through the years
Credit: Facebook/Throwback Songbird
Source: Facebook

Nag-host din si Regine sa Search for a Sta noong 2003, kung saan nanao at itinanghal ang ngayon ay international broadway star na si Rachelle Ann Go bilang grand winner.

3. Forever In My Heart

13 Kapuso shows sa karera ni Regine Velasquez sa GMA through the years
Credit: Facebook/Mark Herras
Source: Facebook

Nagbalik umano ang Asia's Songbird sa primetime ng Kapuso sa teleseryeng Forever In My Heart.

Dito ay nakasama niya sina Richard Gomez, Ariel Rivera, at Dawn Zulueta na pinalabas noong 2004.

4. Pinoy Pop Superstar

Muling nag-host naman si Regine Velasquez ng isang talent show host na ang titulo ay Pinoy Po Superstar na on-ari noong 2004 hanggang 2007.

Dito sa show na ito nagsimula ang karera ng mga mang-aawit na sina Jona (Jonalyn Viray), Gerald Santos, Maricris Garcia, at Aicelle Santos.

5. Celebrity Duets: Philippine Edition

Muli na namang naghost si Regine Velasquez ng isang talent show noong 2007 hanggang 2009 na ang pamagat ay Celebrity Duets: Philippine Edition.

Nakasama niya rito ang kanyang mister na si Ogie Alcasid.

6. Songbird

Isa na namang musical variety show ang ginawa ni Regine na pinangalan sa kanyang titulo na Songbird noong 2008.

7. Ako Si Kim Sam Soon

13 Kapuso shows sa karera ni Regine Velasquez sa GMA through the years
Credit: Facebook/GMA Network
Source: Facebook

Sa parehong taon ay bumalik sa teleserye si Regine sa papel na Kim Sam Soon sa remake ng Pinas sa sumikat na Korean drama ang My Lovely Kim Sam Soon.

Dito ay nakapareha ng Sonbird si Mark Anthony Fernandez.

8. Totoy Bato

Dito ay nakapareha ni Regine Velasquez si Binoy Robin Padilla noong 2009.

9. Are You the Next Big Star?

Hinost din ng Asia's Songbird ang Are You the Next Big Star noong 2009 kasama si Keempee de Leon.

Dito nakilala si Frencheska Farr at ang dating finalist ng Pinoy Dream Academy: Season 1 na si Geoff Taylor.

10. Darna

Gumanap din ang Asia's Songbird sa fantaseryeng Darna na pinagbibidahan ni Marian Rivera bilang si Elektra noong 2009.

11. Party Pilipinas

Naging party rin si Regine Velasquez sa 2010 Sunday musical show ng GMA ang Party Pilipinas.

12. Sarap Diva

At ang isa sa dalawang huling shows ni Regine sa Kapuso ay ang Sarap Diva na isang cooking talk show.

13. The Clash

Ang latest project ng Asia's Songbird sa Kapuso ay ang The Clash na isang singing competition na kakatapos pa lang.

Una nabuo ang intriga tungkol sa diumano'y paglipat ng Asia's Songbird na isa na sa malaking haligi ng GMA-7 sa mga nakalipas na taon sa karibal na istasyon ang ABS-CBN sa isang IG post ni Sharon Cuneta na tila daw niyaya si Regine na lumipat diumano.

At lalong lumakas ang ispikulasyon nang lumabas ang chika tungkol sa diumano'y pamamaalam ni Regine sa kanyang Sarap Diva staff sa huling shooting daw nito.

Kung susumahin ang mga taon , naging Kapuso si Regine Velasquez mahigit dalawang dekada na.

POPULAR: Read more stories about Regine Velasquez here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin