Tatay, aksidenteng nasagasaan ang kanyang 2 taong gulang na anak

Tatay, aksidenteng nasagasaan ang kanyang 2 taong gulang na anak

-Isang malagim na aksidente ang nangyari sa isang 2 taong gulang na batang lalaki, matapos itong aksidenteng masagasaan ng kanyang ama

-Nasawi ang bata dahil sa head injury na tinamo nito dahil sa aksidente

-Paano nga ba maiiwasan ang ganitong aksidente lalo na para sa mga musmos na bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galing lamang sa isang family dinner ang pamilya ni Muhammad Rayyan Rizqi Mohd Fakhrul Zaman, ang 2 taong gulang na batang lalaki na nasawi matapos aksidenteng masagasaan ng kanyang ama.

Ayon sa ulat ng New Straits Times, iniupo ng ama ang bata sa passenger's seat at tsaka sumakay sa sasakyan sa driver's seat at ini-on ang makina.

Ayon sa report, sumandal umano ang bata sa pintuan ng passenger's seat kaya naman nang dumating ang ina nito at binuksan ang pinto sa side nito ng sasakyan, nahulog ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil daw sa gulat kung kaya aksidenteng natapakan ng ama ang silinyador at napaandar ang sasakyan. Nagulungan ang walang kamalay-malay na bata.

Nagtamo ito ng head injuries na siyang ikinasawi nito.

Nangyari ang aksidente sa Jalan Kota Baru, Malaysia.

Tatay, aksidenteng nasagasaan ang kanyang 2 taong gulang na anak

Photo source: New Straits Times
Source: Facebook

Posible sanang naiwasan ang aksidente kung gumamit ng car seat para sa bata. 2 taon pa lamang ito kung kaya kailangan pa nito ng mas ligtas na posisyon sa sasakyan. Dapat ding ugaliin na i-lock o gamitin ang child lock feature kung meron ang sasakyan. Ipinagbabawal din na paupuin ang mga bata sa harap ng sasakyan.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel