6 cases na kinakaharap ni Senador Trillanes sa ilalim ng Duterte administration
- Kilala si Senador Antonio Trillanes bilang oposisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte
- Ilang mga kaso at reklamo ang hinain laban sa kanya simula noong naging Presidente si Duterte
- Kasama na nga rito ang pagbukas muli ng kanyang mga kaso na may kaugnayan sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakilala si Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV bilang lieutenant noon sa Philippine Navy at ngayon siya naman ay nasa Senado. Siya rin ay tampok sa pagiging opposition senator kay Pangulong Rodrigo Duterte simula noong tumakbo ito bilang Presidente.
Narito naman ang mga kaso o reklamong kinasangkutan ni Senador Trillanes base na rin sa report ng Rappler simula noong nanungkulan si Pangulong Duterte noong 2016:
1. Sedition, coup d’etat at graft
Noong November 16, 2017, ilang mambabatas na may kaugnayan sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang naghain ng sedition complaint laban kay Senador Trillanes dahil sa mga akusasyon nito laban kay Pangulong Duterte sa isang privileged speech noong October 2017.
Sabi kasi ni Trillanes na may diumanong nagkakahalagang P2 billion na transaction sa bangko ni Pangulong Duterte na hindi nito idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Ayon sa mga mambabatas na sina Glenn Ching, Jacinto Paras at Manny Luna na naghain ng reklamo sa Pasay City’s Prosecutor’s Office ay nilabag daw diumano ni Senador Trillanes ang Article 142 ng Revised Penal Code.
Sa isang panayam sa programa ng DZMM na “Usapang de Campanilla”, sabi ni Atty. Atty. Claire Castro, “Ang sedition kasi, ito 'yung action na mayroong public uprising, mayroon ding pag-aalsa, may gamit na armas, pero ang purpose mo lang dito is, let's say, to create hatred to a particular person or public official."
Nakasaad din sa reklamo ang diumanong planong nag-uudyok na magsagawa ng coup d’etat ni Senador Trillanes na lumalabag naman sa Article 136 ng Revised Penal Code.
Sabi rin sa mga mambabatas na ang paulit-ulit nap ag-aakusa ng senador sa Pangulo ay, “caused undue injury to President Duterte, including the government," kaya naman siya ay mananagot para sa graft.
Noong March 2018 ay nag-file na nga ng charges of inciting to sedition ang Pasay City Prosecutor’s Office laban kay Senador Trillanes.
Giit naman ng senador, hindi raw siya aatras sa kaso at patuloy na lalaban sa “mali at masama”.
2. Civil case
Noong December 27, 2017 naman ay naghain ng civil case laban kay Senador Trillanes ang Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kasama ang kanyang brother-in-law na si Atty. Mans Carpio.
Inakusahan kasi ni Senador Trillanes na diumano’y kasama si Duterte at Carpio sa P6.4 billion worth of illegal shabu mula sa China. Dagdag pa ni Trillanes na may halos P100 million ang dalawa sa kanilang mga bank accounts.
3. Gave threat complaint
Naghain namang muli ng reklamo si Jacinto Paras kay Senador Trillanes. Noong June 6, 2018 ay inakusahan ni Paras ang senador na nagtangka raw ito sa kanyang buhay sa Senate session hall noong May 29.
"Kaninang umaga, nagsampa kami ng criminal case against Mr. Trillanes tungkol sa pag-threaten niya sa akin. He came to me and provoked, and threatened na yayariin niya ako," sabi ni Paras.
Giit namang ng Senador na hindi raw ito totoo at nagulat pa nga raw ito noong nakipagkamay si Paras sa kanya. Depensa naman ni Paras ay hindi raw totoo na lumapit daw siya kay Senador Trillanes.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
4. Libel complaints
Nagsampa namang muli ng kaso si Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio kay Senador Trillanes noong September 6, 2018. May kaugnayan naman ang libel case na ito sa pagaakusa ng Senador na diumano’y kasama sa extortion si Duterte at Carpio.
Sabi ni Trillanes, nakikipagsabwatan raw sina Duterte at Carpio kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Director Ahmed Cuison na humingi ng pursyento bago aprubahan ang ride-hailing service na Uber noon.
Dineny naman ni Duterte ang akusasyon at sinabing “pure black propaganda" raw ito.
5. Coup d’etat case (2003 Oakwood mutiny)
Naiulat ng KAMI noong September 4, 2018 na lumabas ang Proclamation No. 572 na nagsasabing invalid ang amnestiyang binigay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy”Aquino III kay Senador Trillanes.
Kaya naman muling nabuksan ang kasong rebelyon at coup d’etat ng Senador na may kaugnayan sa Oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula siege noong 2007.
Ang Makati-RTC Branch 148 naman ang humawak ng kasong coup d’etat ni Senador Trillanes na may kaugnayan sa Oakwood mutiny noong 2003.
July 27, 2003 noong pinangunahan ni Trillanes ang mutiny kasama ang halos 300 na sundalo o ang grupo kilala bilang “Magdalo” sa Oakwood Premiere (ngayong Ascott). Nais nilang i-expose ang corruption sa ilalim ng Arroyo administration lalo na sa military.
Noong September 4, 2018 ay naghain ng motion ang Department of Justice (DOJ) na mag-issue ng alias warrant at hold departure order (HDO) laban sa Senador.
September 28, 2018 naman noong dinefer ng Mataki-RTC Branch 148 ang alias warrant at HDO kay Trillanes. Nag-set naman sila ng isang hearing sa October 5, 2018. Ang kasong coup d’etat naman ay walang piyansa.
6. Rebellion case (2007 Manila Peninsula siege)
Samantala, November 29, 2007 noong nag-walk out sina Trillanes kasama sina Brig. Gen. Danilo Lim at iba pang mga sundalo mula sa kanilang hearing ukol Oakwood mutiny. Dumiretso sila sa The Peninsula Manila at nagsagawa ng press conference kung saan nais nilang patalsikin sa pwesto ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Kaya naman noong September 7, 2018 ay naghain ng motion ang Department of Justice sa Makati City regional trial court (RTC) Branch 150 na mag-issue ng warrant of arrest at hold departure order kay Trillanes dahil nga sa rebellion case na ito.
September 25, 2018 naman noong naglabas ng arrest warrant at hold departure order ang Makati-RTC Branch 150. Kaagad namang nagpiyansa ng P200,000 ang senador sa araw din na iyon.
POPULAR: Read more news about Senator Trillanes here!
Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh