Hashtag babangon ako! 7 Celebs na ang peg ay magtry and try at magwawagi!

Hashtag babangon ako! 7 Celebs na ang peg ay magtry and try at magwawagi!

Heto ang mga waging waging mga celebs ngayon na nadurog man ang mga puso sa unang pagsubok sa mga kompetisyon na sinalihan ay hindi umatras sa laban at nagporsege, at ngayon, tinatamasa na nila ang tagumpay.

Kaya fight lang ng fight, at go lang ng go dahil one day, maaabot niyo rin ang inyong mga pinapangarap gaya na lang ng 7 celebs na ito ngayon sa listahan ng KAMI na natatamasa na ang tamis ng tagumpay pagkatapos matalo sa mga kompetisyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinahagi ng GMA News Online ang listahang ito kamakailan lang na talaga namang nakakainspire.

1. Sandara Park

Ang Korean-born superstar na si Sandara Park ay pumasok sa industriya bilagn isa sa mga paboritong bet na manalo sa 'Star Circle Quest' ng Kapamilya network noong 2004.

Pero kalaunan ay naiuwi ni Hero Angeles ang naturang titulo.

Pagkatapos umano gumawa ng karera dito sa Pilipinas ay bumalik si Dara sa South Korea para magtry sa kanyang swerte doon.

At noong 2009 nga ay na-i-launched siya bilang isa sa mga sikat na miyembro ng Korean girl group na 2NE1.

Ang huli ay naging isa sa top-selling K-pop girl groups ng nasabing bansa, at sa bagong karera ay nagpalit siya ng stage name na Dara.

Subalit na disband ang grupo noong 2016 pero patulog pa rin ang buhay at karera ni Sandara Park lalong lalo na sa mga fashion o clothing line endorsement.

Kamakailan nga ay umattend siya sa Paris Fashion Week.

2. Christian Bautista

Kung naalala pa ninyo noong nakipagcompete si Christian Bautista sa kaibigan na si Erik Santos sa isang singing competition sa ABS-CBN ang Star in a Million noong 2003.

Inuwi ni Erik ang titulo at ang balladeer ay naging 3rd runner up sa naturang kompetisyon.

Pero gayunpaman, nagsumikap ng husto ang balladeer hanggang nakahulma ng kanyang pangalan sa OPM music industry at naging isa sa pinakahinahanap na mga talentadong artists ngayon.

Binansigan siyang Asia's Romantic Balladeer dahil ang kasikatan niya ay umabot hanggang Indonesia.

3. Aicelle Santos

Ang Kapuso broadway pride na si Aicelle Santos ay sumali noon sa singing competition na Pinoy Pop Superstar noong 2005, at inuwi ang 1st runner-up spot.

Imbis na mawalan daw ng pag-asa, nagporsege at nagtiyaga pa raw si Aicelle para maabot ang kanyang mga pangarap.

At naabot nga niya dahil noong 2006 nanalo siya sa Astana Music Festival na ginanap sa Kazakhstan.

Nakamit niya ang Best Performance of Own Country for Song para sa kanyang sariling rendisyon ng Bakit Di Subukan.

At lalo pang yumayagpag si Aicelle sa kanyang karera bilang artist dahil isa lang naman siyang representanti ng Pinas sa 2018 UK Tour Production ng Miss Saigon bilang ang pinakabagong Gigi Van Tranh.

4. Julie Anne San Jose

Ang Kapuso diva naman na si Julie Anne San Jose ay nakatikim din daw ng pagkatalo noong sumali siya sa Popstar Kids noong 2005.

Inuwi ni Rita Iringan na ngayon ay si Rita Daniela ang nasabing titulo.

Ngayon, kilala na si Julie Anne bilang Asia's Pop Sweetheart at isa sa mga dahilan umano ay ang ang viral cover song niya ng kanta ni Nicki Minaj na Super Bass na naghit daw ng 21.8 million views.

At ang kanyang self-titled album under GMA Records ay umabot sa Diamond Record Award status.

5. Solenn Heussaff

Ang kilalang It Girl at Kapuso TV host na si Soleen Heussaff ay gumawa ng maraming agaw-pansin na eksena nang sumali sa Survivor Philippines:Celebrity Showdown noong 2010.

Umabot si Solenn sa The Final 3 pero hindi nauwi ang titulo.

6. Paulo Avelino

Ang aktor na si Paulo Avelino ay hindi naiuwi ang titulo ng Season 4 reality-based artista search ang Starstruck noong 2006.

Talaga namang truly Starstruck avenger ang aktor dahil nanalo lang naman siya ng Gawad Urian Awards noong 2012, at ngayon, isa lang naman siya sa mga top leading me sa showbiz.

7. Rocco Nacino

Gaya rin ni Paulo Avelino hindi rin naiuwi ni Rocco Nacino ang titulo sa Starstruck noong 2009 pero ngayon, siya ay ang isa sa most bankable stars ng GMA-7.

At sa parehong taong iyon, naggraduate si Rocco ng cum_laude ng master's degree sa Nursing.

Bukdo pa rito, pinanalo niya ang New Movie Actor of the Year sa 28th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.

Ibinahagi din namin ang 11 stars na 'di naswertehan sa mga competition shows sa TV pero sikat na ngayon! kamakailan lang.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel