DILG, nais ipa-disqualify ang halos 600 kandidato sa 2019 election

DILG, nais ipa-disqualify ang halos 600 kandidato sa 2019 election

-Irerekomenda daw ni Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año ang humigit-kumulang 600 na lokal na opisyal na sangkot sa droga at korapsyon na ma-disqualify sa 2019 elections

-Kasama sa bilang ang nasa 300 na nasuspinde na sa pwesto dahil sa umano'y pagkaka-sangkot ng mga ito sa korapsyon

-Kasama rin dito ang humigit-kumulang 200 na sinisiyasat pa at kulang 100 na nasangkot sa droga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Irerekomanda daw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ma-disqualify ang humigit kumulang 600 na lokal na opisyal na sangkot sa droga at korapsyon sa 2019 elections.

Ito ang pahayag ni DILG officer-in-charge Eduardo Año sa isang ambush interview, mula sa ulat ng GMA News.

Ayon kay Año kasama sa bilang na ito ang kulang-kulang 300 na lokal na opsiyal na nasuspinde o nahalinhinan sa pwesto dahil ilang aktibidades nito na sangkot sa korapsyon, 200 na sinisiyasat at 93 na nasangkot sa droga.

"It's up to the Comelec (Commission on Elections), titingnan naman natin 'yung severity ng involvement eh kasi ang danger kasi diyan kapag talagang involved sa droga tapos ginagamit niya 'yung pera para makabili ng boto, eh di meron na naman tayong... may checks and balances naman," sabi ni Año.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data

"'Yung filing puwedeng kahit makapagfile sila, meron pa ring way ang Comelec to disqualify them. We will do our job properly. We will consolidate at least para mabigyan ng idea 'yung Comelec," dagdag nito.

Magsisimula ang filing of candidacy sa October 11, 2018 para sa national and local positions. Samantalang ang eleksyon naman ang magsisimula sa January 13, 2019.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel