Kakasang muli ang DonEkla sa bagong show ng Kapuso ang 'Studio 7'

Kakasang muli ang DonEkla sa bagong show ng Kapuso ang 'Studio 7'

- Kung namimiss na ninyo ang napaka-laughtrip na tambalan nina Donita Nose at Super Tekla ay huwag ng malungkot at malumbay pa dahil kakasang muli ang DonEkla

- Ito ay sa bagong show ng GMA-7 ang 'Studio 7,' at kamakailan nga ay pinakilala na ang mga Kapuso artists na makakasama sa naturang show

- Ayon pa sa balita, ang musical variety show na ito ay ipapalibas raw tuwing Linggo ng gabi

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang balita tungkol sa bagong show ng Kapuso na kinabibilingan ng napaka-laughtrip na tambalang DonEkla o Donita Rose at Super Tekla.

Matagal na rin nating hindi nakikita sa telebisyon ang dalawang kwelang tandem simula noong mawala sila sa Wowowin ni Willie Revillame.

Nagkaroon sila ng mga shows at si Tekla naman ay may isang digital show na kasama si Boobay, ang The Boobay and Tekla Show na mapapanood online.

Kaya super happy ang mga faney ng nakakatawang pares dahil aarangkada na naman sila sa bagon musical variety show ng GMA-7 ang 'Studio 7' na ipapalabas tuwing Linggo ng gabi, ayon na rin sa balita ng GMA News Online.

Ani pa sa ulat, sina Donita Nose at Super Tekla ang magiging hosts ng show, at sasamahan sila ng ilang mga Kapuso artists na sina, in no particular order, Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Rayver Cruz, Migo Adecer, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Kate Valdez, at ang nagbabalik telebisyon na si Mark Bautista.

Makakasama rin dito ang mga finalists ng The Clash, at ang maganda at gwapong kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel