11 Stars na 'di naswertehan sa mga competition shows sa TV pero sikat na ngayon!

11 Stars na 'di naswertehan sa mga competition shows sa TV pero sikat na ngayon!

Hindi lahat ng artista ay maswerte sa pagpasok sa showbiz dahil ang karamihan sa kanila ay dumaan sa ilang butas ng karayom, ika pa nga ng mga kasabihan.

Ang iba sa kanila ay pinagdaanan halos lahat yata ng pag-audition sa iba't ibang shows at reality shows.

Pero walang sipag na hindi nagtatagumpay, kalaunan, at ito nga ang nangyari sa mga sikat na artistang ito ngayon.

Sinong mag-aakala na nag-audition din pala sila sa mga reality show o singing competition show dati pero hindi pinalad na maiuwi ang titulo?

Ngunit, hindi ito nakapagpigil sa kanila para abutin ang tagumpay at sa huli, sila ay tunay na nagwagi.

Silipin ng KAMI ang 10 mga kilalang artista ngayon na dumaan rin sa mga competition sa TV o reality shows sa telebisyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mga pangalan sa listahang ito ay unang fineature ng TNP YouTube channel, na orihinal umano lumabas sa PEP.

1. Maine Mendoza

Bago pa man raw ang launch niya sa Eat Bulaga bilang si Yaya Dub, unang nag-audition si Maine Mendoza sa Pinoy Big Brother:737, noong 2015.

Hindi man pinalad si Minggay na makapasok sa nasabing show ay naging Phenomenal Star naman ito na pinag-uusapan pa sa ibang bansa.

2. Nadine Lustre

Tila meant to be nga sina Nadine Lustre at James Reid.

Ayon pa sa ulat, bago pa man maging better half sa sikat na tambalang Jadine ang aktres, ay sinubukan daw nito na pumasok sa sikat na yellow house ni Kuya.

Ito raw ay nangyari sa kapanahunan ng pagpasok ni James Reid sa PBB noong 2010 teen clash edition.

3. Alden Richards

Ang napakagwapong Eat Bulaga dabarkad, bae ng bayan at ngayon ang machong Victor Magtanggol na si Alden Richards ay una munang sumubok umano sa mga reality television shows na Starstruck at Pinoy Big Brother:Teen Clash.

Hindi man sinwerte sa mga naturang shows ay waging wagi naman siya ngayon sa kanyang karera bilang Phenomenal Star lalo na sa pagiging parte sa Phenomenal loveteam ang AlDub.

4. Angeline Quinto

Bago pa man naging sikat na Angeline Quinto ngayon si Angge, ay una muna siyang sumali sa Star For A Night, kung saan diumano natalo siya ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Pero hindi nagpapigil si Angeline at sumali muling, at tuluyang nagwagi sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar noong 2011.

5. Morisette Amon

Unang sumabak si Morisette Amon sa The Voice of the Philippines pero na eliminate siya sa semi-final stage.

Subalit, isang sikat na diva lang naman siya ngayon na hinahangaan sa buong mundo.

At sa katunayan, kasali siya sa Asia Song Festival sa Korea.

6. Jerome Ponce

Nagtry din daw ang magaling na aktor na si Jerome Ponce sa Pinoy Big Brother ng dalawang beses pero hindi nagtagumpay.

Subalit, hindi siya sumuko at ngayon ay isa na siya sa mga most-sought actors sa kanyang henerasyon.

8. Marlo Mortel

Ang "Boyfie ng Bayan" na si Marlo Mortel ay sumali sa Starstruck noong 2009 pero diumano'y umabot lang daw siya sa top 60 sa listahan.

Simula nang lumabas sa Be Careful With My Heart bilang ka love interest ni Janella Salvador, umuusbong na ang karera ni Marlo.

9. Moira Dela Torre

Ang pinakabagong addition sa OPM Hall of Fame ay naging auditionee ng The Voice Philippines.

10. Kris Bernal

Ayon naman sa balita, bago pa man maging isa sa pinagkakatiwalang aktres ng Kapuso network ay una munang kumuha ng workshop daw si Kris Bernal sa Star Magic.

Ani naman sa LionhearTV, nag-audition daw si Kris sa Kapamilya reality show bago pa sumali sa Starstruck.

At hindi maikakaila na ang isang tunay ring huwarang halimbawa sa mga hindi nagwagi sa mga competition shows sa TV na naging successful ay walang iba kung hindi ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga.

11. Toni Gonzaga

Bago pa man hinirang na Ultimate Multimedia Superstar dahil sa maraming awards na natanggap sa larangan ng pag-arte, pag-perform, pag-endorso, pag-host, pagkanta, pagsusulat ng kanta, at sa pagiging stylish icon sa industriya, una munang pumila si Toni Gonzaga sa mga auditions.

At noong 1997, 13 years siya noong sumali sa singing competition sa GMA-7 ang 'Metropop Star Search,' kung saan diumano ay nakasama niya sa naturang contest sina Kyla at Faith Cuneta.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahanga-hanga! Catriona Gray does own hair and makeup during Miss Universe 2018 preliminaries

Kahanga-hanga! Catriona Gray does own hair and makeup during Miss Universe 2018 preliminaries

Kahanga-hanga! Catriona Gray does own hair and makeup during Miss Universe 2018 preliminaries
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel