'Di raw kawalan! Pagbibitiw ni Asec. Mocha Uson, ayon sa kampo ni VP Robredo

'Di raw kawalan! Pagbibitiw ni Asec. Mocha Uson, ayon sa kampo ni VP Robredo

-Nagbitiw na nga sa kanyang pwesto si Communications Assistant Secretary Mocha Uson ngayong Miyerkules

-Ngunit ayon naman kay Barry Gutierrez, spokeperson ni Vice President Leni Robredo, 'di daw kawalan ang resignation ni Uson

-Nagbabala pa ito na 'wag daw kalimutan ni Uson na hindi perke ngbitiw na ito sa pwesto ay maaabswelto ito sa mga binitiwang salita laban sa VP

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Madaming beses nang ipinakita ni Mocha Uson na hindi talaga niya naiintindihan at hindi siya handa para gampanan ang tungkulin ng isang lingkod bayan. Kaya hindi kawalan sa bayan ang kanyang pagbibitaw," ito ang naging pahayag ni Barry Gutierrez, spokesperson ni Vice President Leni Robredo.

Kaugnay ito sa naging pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ngayong Miyerkules, na naibalita na rin ng KAMI.

Nagbabala pa si Gutierrez, na hindi porke nagresign na si Uson ay maaabswelto na ito mula sa mga naging aksyon nito noon.

Minsan nang tinawag ni uson ang Bise Presidente na 'tanga' at 'bobo', ayon sa ulat ng GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Huwag lang siyang magkamaling isipin na dahil nag-resign na siya, hindi na siya mananagot para sa lahat ng kasinungalingan at paninirang ipinasabog niya,” dagdag ni Gutierrez.

'Di raw kawalan! pagbibitiw ni Asec. Mocha Uson, ayon sa kampo ni VP Robredo

Photo source: ABS-CBN News
Source: Getty Images

Noong April 2017, isa si Uson sa mga nag-rally sa Palit Bise rally sa Luneta, upang mapatalsik si Robredo.

Tinawag rin nitong 'fake vice president' si Robredo at sinabing si former Sen. Ferdinand "Bongbong” Marcos Jr. ang totoong bise.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel