Mga politicians, nagkomento sa kontrobersyal na pagreresign ni Mocha Uson

Mga politicians, nagkomento sa kontrobersyal na pagreresign ni Mocha Uson

- Nagbigay na ng komento ang ilang mga mambabatas sa resignation ni Mocha Uson

- Sabi ni Senator Risa Hontiveros ay ‘too little, too late’ na raw ito

- Para naman kay Senator Antonio Trillanes ay isa itong ‘welcome development’

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilan sa mga kilalang politiko ang nagbigay komento sa biglaang pagreresign ng dating Presidential Assistant Secretary na si Mocha Uson. Ilan na nga dito ay sina Senators Antonio Trillanes, Risa Hontiveros, Nancy Binay at JV Ejercito.

Ayon sa report ng GMA News, sabi ni Senador Trillanes ay isang ‘welcome’ development ang pagreresign ni Uson.

Mga politicians, nagkomento sa resignation ni Mocha Uson sa PCOO

Photo from Sun Star
Source: Facebook

Aniya, “That is a welcome development kasi marami na tayong kababayan na nagrereklamo sa approach ni Asec Mocha sa paghahatid ng mensahe ng Duterte administration.”

"I wish her well in future endeavors,” dagdag pa ng opposition senator.

Nalaman rin ng KAMI na para naman kay Senator Risa Hontiveros, ang ginawa ni Uson ay ‘too little, too late’ na raw.

Mga politicians, nagkomento sa resignation ni Mocha Uson sa PCOO

Photo from Summit Media
Source: Facebook

Sabi niya, “It is an extremely belated gesture rendered insignificant in the face of gross incompetence, state-sponsored vulgarity and the proliferation of fake news.”

“It has come very late in response to the public's demand for accountability. Aanhin pa ang resignation kung nalulunod na ang bansa sa baha ng fake news ni Ms. Uson?”

“She has not only successfully planted the seeds of untruth inside the government, she has made sure it bore fruit to sow confusion and poison the public's mind,” dagdag pa ni Hontiveros.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang panayam naman ay sinabi ni Senator Nancy Binay na tila sinayang ni Uson ang opportunity upang patunayan ang sarili sa taumbayan.

Mga politicians, nagkomento sa resignation ni Mocha Uson sa PCOO

Photo from Inquirer
Source: Facebook

“Sayang ‘yung opportunity to prove everybody wrong. Parang ito yung pagkakataon na ipakita niya sa lahat na she deserved to be called Asec. Mocha Uson, but hindi niya ginawa ‘yun,” sabi ni Binay base sa report ng Inquirer.

“She opted na mag-resign na lang so I guess respetuhin na lang natin ‘yun decision niya na magbitaw sa pwesto,” dagdag pa niya.

Handa naman raw lumaban si Mocha Uson sa mga mambabatas na tila ginagamit ang kanilang posisyon. Sabi ni Uson, “Abangan niyo lang na po. May blog naman po ako so raratsada tayo dun. Bakbakan na ‘to. Bakbabakan na talaga ito.”

Nang tanungin ng mga reporters si Senator Binay kung ano ang komento niya rito, pabiro niyang sinabi na, “Na-black and blue na nga ako. Hindi na nga nawala e, nag-stain na ‘yung black.”

“Teka sandali bakit ina-assume niyo na ako ang atatakehin niya?” biro naman ng Senator sa mga reporters.

Base naman sa tweet ng ABS-CBN News ay ayon kay Senator JV Ejercito, nakikita naman niya raw ang sinseridad ni Uson sa patuloy na pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Mga politicians, nagkomento sa resignation ni Mocha Uson sa PCOO

Photo from ABS-CBN News
Source: Facebook

Nauna nang naiulat ng KAMI ang pagreresign ni Mocha Uson sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) bilang “sacrifice” sa panggigipit umano ng budget sa PCOO.

Sinabi rin ni Uson ang posible niyang pagtakbo sa darating na eleksyon, pero depende pa raw ito sa magiging komento ng mga supporters niya sa Facebook.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel