College student ng Davao, wagi sa "Venom" poster contest sa Hollywood

College student ng Davao, wagi sa "Venom" poster contest sa Hollywood

- Nasa 3,600 na sumali sa Talenthouse’s “Venom” alternative poster competition ang tinalo ni Jeuz Sumangil

- Tubong Davao si Jeuz na isang AB Multimedia Arts student ng the University of Mindanao

- Makatatangap ng $2,000 si Jeuz bilang premyo sa competition na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang Pinoy ang nagpakitang gilas sa sa Hollywood nang magwagi ito sa Talenthouse’s “Venom” alternative poster competition.

Hinawi ni Jeuz Sumangil ang nasa 3,600 na sumali sa kompetisyon mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Ang Talenthouse ay isang prestihiyosong online community na nagpapakita ng mga nakamamanghang gawa ng mga artist.

Ang kompetisyon na sinalihan ni Jeuz ay pagsasanib pwersa ng Talenthouse at ng Venom Team sa pangunguna ng aktor na bida sa pelikulang ito na si Tom hardy bilang Eddie Brock/Venom.

Kasama rin mismo ang lead actor na si tom Hardy na pumili sa limang finalist na kinabibilangan ng mga bansang US, Japan, Indonesia, Ecuador at siyempre ng Pilipinas.

22 anyos na AB Multimedia Arts student ng University of Mindanao si Jeuz kaya laking pasalamat niya na binigyan sila ng Talenthouse ng isang buwan bago isumite ang kanilang entry sa paligsahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na di rin daw inaasahan ni Jeuz ang kanyang pagkapanalo dahil nakita niya ang gawa ng kanyang mga nakalaban at karamihan pa sa mga ito ay pawang mga propesyunal na.

Ayon pa sa panayam ng Philstar Jeuz ibibili raw niya ng mga kagamitan sa art ang perang nagkakahalagang $2,000 na kanyang premyo sa kompetisyon.

Samantala, mapapanood na sa bansa ang pelikulang 'Venom' sa October 4, Huwebes.

Likas nga bang magagaling kumanta ang mga Pinoy? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel