Seve turns 2! Ang bongga naman ng selebrasyon ng b-day ng anak ni Toni Gonzaga

Seve turns 2! Ang bongga naman ng selebrasyon ng b-day ng anak ni Toni Gonzaga

- Kaya pala hindi naka-attend ng ABS-CBN Ball 2018 ang isa sa pinakamalaking artista ng Kapamilya network na si Toni Gonzaga ay dahil nasa ibang bansa pala ito

- Laking pasasalamat ng kanyang mga fans ng makita ang masasaya at magagandang mga larawan kasama ang kanyang mister na si Paul Soriano at ang kanilang anak na si Seve

- Iyon pala ay isang bonggang bakasyon engrande ang bigay ng mga super generous na magulang sa kanilang 2 years old na anak

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa hinahanap si Toni Gonzaga ng kanyang mga tagahanga sa ABS-CBN Ball 2018 ay dumagsa sila sa Instagram account ng Ultimate Multimedia Superstar, at doon nalaman ang totoo kung bakit hindi naka-attend ang mother of one sa naturang event.

Naispatan ng KAMI ang mga kuhang larawan ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano kasama ang kanilang unico hijo na si Seve.

Pumunta pala ang pamilya Gonzaga-Soriano sa Los Angeles, California para doon icelebrate ang 2nd birthday ng kanilang sobrang cute na anak na si Chumby, ang ibang tawag kay Seve.

Bonggang bakasyon abroad ang regalo ng mommy at daddy ni Seve sa kanyang kaarawan.

Dahil nahihilig sa cartoon character na Thomas The Train ay dinala nila Toni at Paul si Seve sa LA para makakita ng classic trains.

Nag-tour din sila sa Universal Studios at nanood ng Dolphin show na talaga namang napasayaw si Seve dahil sa aliw at saya.

The best mommy and daddy naman talaga sina Toni Gonzaga at Paul Soriano dahil inuuna talaga nila ang kaligayahan ng kanilang anak.

They are creating wonderful memories para kay Seve, at ito ang pinakamahalagang regalo na maibibigay nila sa kanilang one and only child.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi ng larawan si Toni kasama si Seve na naaliw sa mga nakikitang classic trains, at nagcaption ang Romantic-Comedy Queen ng:

"Happy 2nd birthday my first born! My joy in life is seeing you happy! To many train stations you wanna see until you outgrow them and find your new happiness again. I love you more than you’ll ever know. Thank you for giving me so many reasons to look forward to tomorrow. May all your great dreams come true! I love you Chumilooo!!!! Choo choo!!"

Ngayon, alam na ng kanyang mga fans ang totoong dahilan sa hindi niya pag-attend sa Ball, at instead na malungkot, ay masaya na silang tinitingnan ang Instagram posts ni Toni Gonzaga kasama ang kanyang gwapong mister at napakacute na anak na si Seve.

Pinanganak ni Toni Gonzaga si Seve noong September 30, 2016, ayon na rin sa IG post ng mister na si Direk Paul Soriano.

Si Seve ay ang kanilang panganay at excited na rin ang kanilang mga fans sa kanilang baby number 2.

Babae na kaya ang susunod nilang baby?

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

Happy Birthday Seve!

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel