Libing ng batang namatay sa away ng grupo, inulan ng bote at bato dahil sa rambol

Libing ng batang namatay sa away ng grupo, inulan ng bote at bato dahil sa rambol

- Binulabog ng grupo ng mga kabataan ang libing ng isang batang namatay daw sa rambulan

- Nasa lamay ng bata ang kanyang mga tropa nang sugurin sila ng grupong nakaaway

- Ayon sa opisyal ng barangay, balak nilang kasuhan ang mga magulang ng mga bata para ang mga ito ay madala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inulan ng bote at bato ang libing ng isang batang lalaking namatay daw sa riot ng mga kabataan sa kanilang lugar.

Sa video na kuha ng isang residente sa lugar, kinig na kinig ang kalabog ng mga bato at bote mula sa batuhan ng magkaaway na grupo ng mga kabataan.

Maririnig din ang busina ng mga sasakyang nag-atrasan na rin sa takot na matamaan ng lumilipad na mga bote at bato.

Maging ang mismong kumukuha ng video na nasa loob ng tindahan ay nagtago na paloob sa takot na madamay at matamaan din sa batuhan.

Nakuha pang humingi ng saklolo ng isang babae mula sa mga nag-aaway na kabataan ngunit wala rin namang magawa ito.

Bukod sa batuhan, nahuli pa sa video ang isang batang lalaki na may hawak na sumpak/sumpit at nakatutok sa kanilang kalaban.

Sa panayam ng GMA news sa mga residente, perwisyo raw talaga ang kaguluhan ng mga bata sa kanilang lugar. "Magulo, perwisyo sa buhay. Natutulog ka na, may takbuhan, tahulan ng aso," kwento ng isang residente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinasabing ang ugat daw ng gulo ay ang pagsugod umano ng kaaway ng grupo sa libing ng tropa nilang namatay sa riot ng away ng magkaibang grupo na ito.

Ayon sa opisyal ng barangay, nahuhuli naman ang mga kabataang sangkot sa gulo ngunit dahil sa ang mga ito ay menor de edad, napapakawalan din.

Di nalalayo ang sitwasyon na ito sa naganap kamakailan sa isang convenience kung saan lakas loob na nangupit ang ilang kabataang lalaki at nagawa pang makipagbuno sa security guard na nauna nang nabalita ng KAMI.

Dahil daw sa mga pangyayaring ganito na madalas nang kinasasangkutan ng ng mga kabataan, nararapat lamang daw na ibaba ang edad ng mga maaring makulong upang magtanda at madala ang mga ito.

Samantala, binabalak ng baranagay na ang mga magulang ang ipakulong nang sa gayon ay magtanda ang mga bata. Wala na raw kasi silang maisip na paraan upang masupil ang gulo ng kabataan sa kanilang lugar.

Likas na magagaling daw umawit ang mga Pinoy, totoo nga ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel