Janine Gutierrez, sinorpresa nina Lotlot de Leon at mga kapatid at Rayver Cruz

Janine Gutierrez, sinorpresa nina Lotlot de Leon at mga kapatid at Rayver Cruz

- Kaarawan pala ng magandang panganay nina Lotlot de Leon at Monching na si Janine Gutierrez noong October 2

- 29 years old na ang pretty Kapuso aktres at sa kanyang big day ay sinorpresa siya ng kanyang ina at mga nakakabatang kapatid, na equally gorgeous rin, at ng kanyang beau na si Rayver Cruz

- Isang "intimate surprise birthday party" nga ang natanggap ng Victor Magtanggol actress mula sa kanyang pamilya at loved ones

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang gabi raw ng October 2, 2018, ay naghanda ng isang intimate suprise birthday party ang pamilya ni Janine Gutierrez at ang malalapit na tao sa kanyang buhay.

Ang kanyang mommy Lotlot de Leon, kasama rin ang kanyang mga nakakabatang mga kapatid na parehong magaganda at gwapo na sina Jessica, Maxine, at Diego, respectively, ay nagplano sa nasabing sorpresa para sa birthday girl, ayon sa report na nabalitaan ng KAMI.

Sa mga kuhang larawn ni Rommel Gonzales ng PEP ay naispatan rin na kasama ang Lebanese businessman fiancé ni Lotlot de Leon na si Fadi El Soury at ang girlfriend ni Diego Gutierrez na si Bea San Jose, at syempre ang boyfriend diumano ni Janine na si Rayver Cruz.

Full packed daw ang schedule ni Janine noong October 1 dahil may taping raw sya sa Victor Magtanggol tapos may magazine photo shoot.

Pagkapatapos daw ng shoot, nagdinner si Janine kasama ang kanyang mga piling kaibigan, na kasama ang celebrity photographer na si BJ Pascual.

Ayon pa sa balita, sinundo daw ni Rayver si Janine at para masigurado ng aktor na nasa condo lang niya ang aktres ay nagsakitsakitan daw ang aktor na hindi siya feeling well para na rin daw makauwi ng maaga ang aktres sa dinner niya with friend.

At presto, successful naman ang kanilang sorpresa sa Kapuso aktres.

Janine Gutierrez, sinorpresa nina Lotlot de Leon at mga kapatid at Rayver Cruz

Credit: PEP/Rommel Gonzales
Source: Instagram

Si Janine Gutierrez ay ang eldest child nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Nakakabatang kapatid niya sina Jessica, Maxine, at Diego, at apo naman sila nina Nora Aunor at Christopher de Leon, sa side ni Lotlot, at nina Pilita Corrales at Eddie Gutierrez, sa side naman ni Monching.

Tita nila sina Ruffa Gutierrez, Matet de Leon, at Jacky Lou Blanco at tito sina Ian de Leon, at sina Raymond at Richard Gutierrez.

POPULAR: Read more news about Janine Gutierrez here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel