Mocha Uson, posibleng tumakbo sa Senado o Kongreso sa darating na Halalan 2019

Mocha Uson, posibleng tumakbo sa Senado o Kongreso sa darating na Halalan 2019

- Inanunsyo na ni Mocha Uson ang pagreresign niya mula sa PCOO

- Matapos nito ay sinabi niya ang posibleng pagtakbo niya sa Senado o Kongreso

- Nagbanta rin si Uson sa mga nambabatikos sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos inanunsyo ni Asec. Mocha Uson ang kanyang pagreresign sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ay sinabi rin ni Uson ang posibleng pagtakbo niya bilang kandidato sa Halalan 2019.

Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na ayon kay Uson, titignan niya pa kung ano ang komento ng kanyang mga taga-suporta sa Facebook.

Aniya, “Kung ano po ng mababasa kong comment sa Facebook, 'yung sinasabi ng supporters doon, doon ko po titingnan,”

“Senator, Congress—hindi ko po alam pero open po tayo," dagdag pa ni Uson.

Mocha Uson, posibleng tumakbo sa Senado o Kongreso sa darating na Halalan 2019

Photo from Inquirer

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi na rin ni Uson ang dahilan sa kanyang biglaang pagreresign sa PCOO. Sabi niya, “Ako na po ang nagsakripisyo para maipasa na ang budget ng PCOO. Ako ay nagdesisyon na mag-resign na po.”

Ngunit may mensahe rin si Uson sa mga patuloy ang mga bumabatikos sa kanya. Sabi niya, “Wag kayong magkakamaling isipin na nagtagumpay kayo.”

“Pinili kong manahimik sa harap ng pag-atake niyo dahil alam kong kaya niyong ipitin ang budget ng PCOO.

“Handa akong lumaban bilang ordinaryong Pilipino. Dadalhin ko ang laban sa Senado at Kongreso.”

Kamakailan lang ay dinefer ng House of Representatives ang budget hearing ng PCOO para sa 2019. Ito ay dahil sa diumanong pag-absent ni Mocha Uson sa hearing.

Naging laman rin ng maraming kontrobersiya si Uson, katulad na lang ng mga viral videos niyang “pepederalismo” at ang mapang-insultong panggagaya sa sign language nila ni Drew Olivar.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel