Dating seaman, proud sa limang anak na lahat propesyonal na

Dating seaman, proud sa limang anak na lahat propesyonal na

- Binahagi ng dating seaman na si Mr. Eliodoro "Kuya Boy" P. Ranara ang pinagdaanan ng kanilang pamilya bilang sakripisyo sa maayos na buhay na tinatamasa na nila ngayon

- Proud daw si Kuya Boy sa kanyang mga anak dahil lahat sa mga ito ay mga propesyunal na at nagsesisyong sila naman ang magtrabaho para sa mga magulang

- Sa ngayon, masayang nagsisilbi sa simbahan si "Kuya Boy" bilang pasasalamat na rin sa pagpapala ng Panginoon sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing pinagpala talaga ang pamilya ni Mr. Eliodoro "Kuya Boy" P. Ranara na dating seaman.

Di man naging madali ang mga sakripisyo na nagawa niya para sa kanyang pamilya, napagtagumpayan naman niya ito kita naman sa kalagayan na ng kanyang limang mga anak na pawang mga propesyunal na.

Nalaman din ng KAMI na bukod sa maayos na nakapagtapos ang mga anak ni "Kuya Boy", di raw nabarkada o nalulong sa anumang bisyo. Patunay lamang na bagaman at lumaki ng wala sa piling ng kanilang ama ang mga anak ni Kuya Boy, nagabayan at nadisiplina pa rin ito ng kanilang ina.

Narito ang kabuuan ng salasay ng inspiring story ni Kuya Boy:

Nakapagtapos ng Pag-Aaral ang mga Anak sa Pagiging Seaman

Noong ako ay naging seaman na, nagsumikap ako na makapag-ipon para mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Si Misis ang tumayong ama at ina ng aming tahanan habang ako ay nasa barko. Sa gitna ng pagtitiis ko sa malalaking alon at lamig sa dagat, lumaki ang aking mga anak na walang ama sa kanilang birthdays at graduations sa school. Sa tulong at awa ng Poong Maykapal, ang aking mga anak, mates, ay nakakatapos rin sa kanilang pag-aaral.

Sila ngayon ay puro professionals na. Ang panganay kong babae ay nakakatapos ng Bachelor of Commerce, ang sumunod naman ay nakakatapos ng Hotel and Restaurant Management, ang pangatlo na lalaki ay nakapagtapos ng BSMarine Engineering, ang ikaapat naman ay nakapagtapos ng BSMarine Transportation at ang bunso ko ay nakapagtapos naman ng BSPhysical Therapy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasalukuyan, ang aking mga anak na lalaki ay mga binata pa at kapwa nasa barko. Ang isa po ay 2nd Officer sa isang Japanese car ship company at ang isa ay officer-in-charge sa engine sa VLCC tankers ng isa ding Japanese company. Ang akin pong bunso na babae ay sa Saudi Arabia Hospital nagtatrabaho bilang licensed physical therapist. Tatlong taon na po siya doon.

Sa ngayon, ako po, mates, ay nasa bahay na lang dahil na din sa pagtutol ng aking mga anak na bumalik pa ako sa barko. Ang sabi po kasi nila ay sila na naman daw ang magtrabaho.

Mates, kami po ng aking asawa ay very proud sa aming mga anak. Hindi po sila bumabarkada at wala po silang mga bisyo. Patunay po sa lahat ng ito, nakapagpatayo na po kami ng sariling bahay at nakapagpundar na din kami ng sasakyan.

Bilang pasasalamat sa Poong Maykapal, nagsi-serve ako ngayon kay Lord bilang Special Minister of the Holy Eucharist (lay minister) at member na rin ako ng Knights of Colombus. Sama-sama po kaming sumisimba at tuwing 4:30 ng umaga, sabay-sabay kaming nagrorosaryo bilang pasasalamat sa lahat ng mga biyayang aming natanggap.

Mates, ang hirap ng trabaho sa barko ay napagtitiisan kapalit ng magandang kinabukasan ng pamilya.

Mr. Eliodoro "Kuya Boy" P. Ranara

Former Seaman, Extra Minister of the Holy Eucharist, Ina ng Buhay Parish

Likas daw na magagaling kumanta ang mga Pinoy, totoo ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel