OFW groups, gustong paalisin na sa pwesto si ACTS-OFW Rep. John Bertiz

OFW groups, gustong paalisin na sa pwesto si ACTS-OFW Rep. John Bertiz

- Marami ang hindi natuwa sa inasta ni Rep. John Bertiz sa naging viral video niya sa NAIA 2

- Humingi naman ng dispensa si Bertiz sa publiko

- Ngunit nais ng mga OFW groups na mag-resign na lang si Bertiz sa kanyang pwesto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang naging viral na video ni ACTS-OFW party-list Rep. John Bertiz sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, nais naman ng mga overseas Filipino worker (OFW) groups na umalis na sa pwesto ang Kongresista.

Nalaman ng KAMI na ayon sa Secretary General ng United Filipinos na si Emman Villanueva in Hong Kong ay dapat lang na managot si Bertiz sa kanyang naging aksyon.

Aniya, “He should not remain in Congress.”

Sabi rin ni Migrante International Spokesperson Arman Hernando, “Nakikita po namin, si John Bertiz ay wala ng kakayahan, walang moral integrity, para kami’y i-representa,” base sa report ng ABS-CBN News.

Ngunit base naman sa interview ni Bertiz sa news program ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda, ay hindi raw siya magreresign sa Congress.

Sabi niya, “Hindi ko rin po pwedeng sabihin na magreresign ako kasi nga po marami rin pong talagang umaasang mga OFW.”

“Noong 2016 po, mahigit po ilang libo rin po ang natulungan nating makauwi,” dagdag niya pa.

Nagbigay na ng public apology si Bertiz sa insidenteng nangyari sa NAIA 2.

Aniya, “Once a year na medyo dapuan po tayo ng monthly period ay hindi ko na rin po ma-i-aalis na tao lang po na marupok, umiinit ang ulo, na-i-istress rin sa trabaho,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito naman ay hindi kinatuwa ng karamihan lalo na ng mga kababaihan. Sabi rin women’s advocacy group na Gabriela, ang pagiging arogante ni Bertiz ang problema at hindi menstrual period.

“[Rep. Bertiz’s] arrogance is the issue. Women should not be stereotyped as arrogant and entitled during their menstrual period,” sabi naman ni Gabriela paty-list Rep. Emmi de Jesus.

Kaya naman nagbigay ng bagong public apology si Bertiz at ang sabi niya, “Patawarin niyo po ako, taos puso po akong humihingi ng kapatawaran sa inasal ko.”

Dahil sa naging kontrobersiya, ibabalik raw ni Bertiz ang pribelehiyong pass na ipinagkaloob sa kanya ng airport authorities.

Naiulat ng KAMI noon ang viral CCTV footage ng NAIA 2 ay hindi sumunod si Bertiz sa security protocol ng airport na maghubad ng sapatos. Imbis na gawin ito ay sinita niya ang security personnel at hinablot ang ID nito.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel