The first timers! 8 Stars na first time umattend ng annual Kapamilya Ball

The first timers! 8 Stars na first time umattend ng annual Kapamilya Ball

Sa isang viral video ay pinasilip ang mga first timers sa annual Kapamilya Ball, na dating tinawag na Star Magic Ball, at ngayong 2018, ito ay pinangalanan na as the ABS-CBN Ball 2018

Kaya ating alamin kung sinu-sino ang mga first timers na umattend ng engrandeng Ball na ginanap kamakailan lang

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong September 29, 2018, ay ginanap na nga ang annual Kapamilya Ball na unang nakilala bilang ang Star Magic Ball pero sa taong ito ay ginawa nilang ABS-CBN Ball 2018 para mas marami ang umattend na mga stars ng nasabing istasyon.

At dahil nga ay tila halos buong stars ng Kapamilya ay invited sa Ball, may mga first timers na dumalo sa nasabing okasyon.

Spotted ng KAMI ang viral video sa YouTube na pinasilip ang mga stars na first time pa lang sa Ball.

Sisilipin natin ang top 8 sa kanila dito sa ating listahan.

1. Vice Ganda

Ito nga ang kauna-unahang Ball na dinaluhan ng GGV at It's Showtime host na si Vice Ganda, at true to his name, Unkabogable naman talaga ang kanyang pinag-uusapang OOTD Ball na gawa pa ng Filipino international designer na si Michael Cinco.

2. Angel Locsin

In attendance rin ang The General's Daughter, ang Multi-awarded Versatile Action-Drama Actress na si Angel Locsin, na nag-solo sa pagdalo.

3. Judy Ann Santos

First time din ng Queen of Teleseryes na si Judy Ann Santos na umattend ng naturang ball at kasama pa niya ang pinakagwapo niyang escort sa gabing iyon, at ito ay walang iba, kung hindi ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

4. Joey Mead-King

Umattend din ang dating MTV VJ at Asia's Next Top Model judge na si Joey Mead King.

5. Nadine Lustre

First time din ni Nadine Lustre na dumalo sa ABS-CBN Ball 2018 dahil noong una ay exclusive lang sa mga Star Magic talents ang nasabing Ball.

Sinamahan naman siya ng kanyang handsome beau na si James Reid na una ng nakadalo ng Star Magic Ball dahil dati itong talent ng huli.

6. Yassi Pressman

Ang Probinsyano leading lady na si Yassi Pressman ay in attendance din sa naturang ball at first time din niya na dumalo sa engrandeng okasyon ng ABS-CBN.

7. Juliana Gomez

First time ng anak nina Lucy Torres at Richard Gomez na si Juliana Gomez umattend ng Ball ng ABS-CBN ngayon.

8. Kiana Valenciano

First time din ng anak ng Pure Energy na si Gary Valenciano na dumalo sa nasabing Ball.

Una na naming binahagi ang pagkakaiba sa annual Ball ng Star Magic at ABS-CBN Ball ngayon.

Kaninong suot ang bet na bet ninyo sa ating listahan?

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel