18 alkalde at bise alkalde ang naiulat nang nasawi sa ilalim ng administrayong Duterte

18 alkalde at bise alkalde ang naiulat nang nasawi sa ilalim ng administrayong Duterte

-Sa ikatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panunungkulan bilang Presidente ng bansa, 11 alkalde at 6 na bise alkalde na ang naiulat na namatay sa ilalim ng kanyang administrayon

-Ayon sa report ng Rappler, nakabase sa mga reports mula noong July 2016 hanggang October 2018

-Narito ang list ng mga alkalde at bise alkalde na nasawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pamplona Vice Mayor Aaron Sampaga – August 2016

Pinaslang ang bise alkalde noong August 5, 2016 ng mga hindi nakikilalang gunmen sa Cagayan province.

Datu Saudi Ampatuan Mayor Samsudin Dimaukom – October 2016

Napatay naman ang alkalde sa isang sagupaan ng grupo nito kontra sa mga operatiba sa isang checkpoint noong October 28, 2016 sa Makilala, North Cotabato.. Ayon sa nakuhang impormasyon magdedeliver umano ang grupo ng ilegal na droga sa Maguindanao and Cotabato area

Isa si Dimaukom sa mga opisyal na kasali sa list ng mga opisyal na sangkot sa droga ni President Duterte.

Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr – November 2016

Napatay ito sa loob ng selda nito sa Leyte Sub-Provincial Jail in Baybay City noong November 5, 2016. Ayon sa mga awtoridad, nagse-serve umano ang mga ito ng warrant ng manlaban ito.

Ito at ang anak nitong si Kerwin ang isa sa mga unang personalidad na sangkot sa ilegal na droga na nagmula kay Pangulong Duterte.

Datu Saudi Ampatuan Vice Mayor Anwar Sindatok – November 2016

Napatay ang bise alkalde habang ito'y nageestima ng bisita sa kanyang bahay nang bigla umano itong barilin ng malapitan noong November 26, 2016.

Pantar Mayor Mohammad Exchan Limbona – December 2016

Patay naman sa ambush ang allade sa Iligan City noong December 29, 2016.

Marcos Mayor Arsenio Agustin – June 2017

Dead on arrival naman ito sa kanyang bayan sa Ilocos Norte noong June 3, 2017 habang nagiimpeksyon ng isang water impounding project.

Balete, Batangas Mayor Leovino Hidalgo – June 2017

Pinaslang naman ang alkalde ng mga 'di nakilalang gunmen noong June 10, 2017 sa gitna ng isang local sports event.

Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog – July 2017

Nasawi ang alkalde at 14 iba pa aksama na nga kanyang asawa, isang kapatid na lalaki at babae sa isang police raid noong July 30, 2017. Nagse-serve umano ng warrant of arrest ang mga operatiba ng umatake ang mga security personnel ni Parojinog.

Kasama ang pamilya ng mga ito sa mga opisyal na involve sa kalakalan ng droga na pinangalanan ni Pangulong Duterte.

Roxas, Oriental Mindoro Vice Mayor Jackson Cinco Dy – September 2017

Napatay ito ng 'di nakilalang mga kalalakihan noong September 22, 2017.

Ronda, Cebu Vice Mayor Jonah John Ungab – February 2018

Nasawi ang bise alkalde noong February 19, 2018 along S. Osmeña Street, Cebu City.

Buenavista Mayor Ronald Lowell Tirol – May 2018

Dead on arrival ang alkalde nang barilin ito sa malapitan sa loob ng isang sabungan noong May 27, 2018.

Tanuan City Mayor Antonio Halili – July 2018

Napaslang ang alkalde noong July 2, 2018 sa gitna ng isang weekly flag-raising ceremony sa harap ng city hall.

General Tinio Mayor Ferdinand Bote – July 2018

Pinaslang ang alkalde ng riding-in-tandem noong July 3, 2018 mula sa National Irrigation Administration office sa Cabanatuan City.

Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan – July 2018

Napatay ang bise alkalde noong July 7, sa harap ng Korean Hospital sa Indang Road, Barangay Luciano.

Sapa Sapa Vice Mayor Al Rashid Mohammad Ali – July 2018

Napaslang ito noong July 11, 2018 ng isang riding-in-tandem sa loob ng kanyang sasakyan sa Zamboanga City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ronda Mayor Mariano Blanco III – September 2018

Napatay ang alkalde ng Ronda, Cebu noong September 5, 2018, sa loob ng kanyang opisina ng town hall.

Supiden Mayor Alexander Buquing – October 2018

Nito lamang Oktubre taong 2018, napaslang sa ambush ang alkalde habang sugatan naman ang asawa nitong si Vice Mayor Mary Joy Buquing.

Hindi naisali ang kaso ni Bien Unido Mayor Gisela Bendong-Boniel na napatay noong June 2017 na hinihinalang dahil sa marital issues ang dahil ng pagpaslang dito. Hindi pa rin natatagpuan ang katawan nito.

Source: Rappler

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Decided na siya! SAP Bong Go, sinamahan ni Pangulong Duterte mag-file ng COC

Decided na siya! SAP Bong Go, sinamahan ni Pangulong Duterte mag-file ng COC

Decided na siya! SAP Bong Go, sinamahan ni Pangulong Duterte mag-file ng COC
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel