Netizens, labis na namangha sa mga lola na nagtatraho pa rin sa Jollibee Hong Kong

Netizens, labis na namangha sa mga lola na nagtatraho pa rin sa Jollibee Hong Kong

- Namangha ang mga netizens sa mga lola na masisipag paring nagtatrabaho bilang crew ng Jollibee

- Sadyang tumataganggap parin daw ng mga senior ang Jollibee sa Hong Kong hangga't kaya pa nitong magtrabaho

- Hiling ng mga netizens, sana raw ay may ganitong oportunidad din ang mga senior dito sa ating bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang naibalita ng KAMI na may isang Pinay senior citizen na masigasig pa ring nagtatrabaho sa Jollibee sa Hong Kong.

Naka-uniporme pa rin bilang crew ang lola ngunit di pala siya nag-iisa. Sadyang tumatanggap pa raw talaga ng mga senior citizen bilang crew ang Jollibee roon.

Ngunit kapansin-pansin na di alintana sa mga lola ang trabaho dahil sila ay masisigla pa at nakikipagsabayan pa sa ibang mga batang crew.

Ayon sa post na binahagi ng "Ginalingan Eh",ganito raw talaga sa ibang bansa, Walang diskriminasyon, walang age limit, walang height limit,walang educational background, walang with pleasing personality, at iba pang mga kwalipikasyon na nagiging dahilan kung bakit nawawalan ng ganang mag-apply ang ilan nating mga kababayan.

Sa ibang bansa, basta kakitaan ka raw ng kasipagan at kaya pa ng iyong pangangatawan ang trabahong iyong papasukin, walang dahilan para di ka nila tanggapin sa trabaho.

Samantala, imbis na kaawaan, natuwa at namangha ang mga netizens sa kasipagan at dedikasyon sa trabaho ng mga matatanda nating kababayan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Ganyan dapat sa pinas puro kaartehan with pleasing personality pa nlalaman Kaya paurong pdin"
"Kaya nga and daming arte ng pinas ganun pa din nman mahirap hindi yumayaman,"
"sa pinas kc ang OA kya dumami ang tamad...."
"ama! Namangha nga ako nung anjan kami last june...ansayang tingnan mga pinoy sa jollibee hk! Natutulungan tlaga lahat"
"Dito saatin, di ka matatanggap kapag may tattoo ka, mahaba buhok mo(sa lalaki), may balbas o bigote, pandak, transgender di ko alam anong klaseng standard ng mga pinoy eh, uso kase saatin pagiging judgemental.."

"mas masarap ang luto pag nanay na luto ksi may touch ng pagmamahal ng isang ina!"

Likas na magagaling daw talagang kumanta ang mga Pinoy, toto nga ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel