Lola, panalo raw dapat ng 704 million sa lotto ngunit pinagkait lamang ito sa kanya

Lola, panalo raw dapat ng 704 million sa lotto ngunit pinagkait lamang ito sa kanya

- Si 'lola Carmen' daw dapat ang panalo ng 704 million sa Ultra lotto noong nakaraang Setyembre 23

- Pinagpipilitan ng lola na siya dapat ag milyonarya ngunit ang petsa na nasa card niya ay Setyembre 25

- Sa huli, tila nahimasmasan na ang mgatanda at tinanggap na lamang ang kapalaran na di nga talaga siya ang nanalo ng mahigit 700 million

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masamang masama raw ang loob ni Lola Carmen nang di siya kinilala bilang panalo ng tumataginting na 704 million pesos sa ulta Lotto nitong nakaraang Setyembre 23.

Makikita sa electronic ticket niya na tugma ang mga numero na tinayaan ni lola Carmen sa winning combination nito.

Kaya naman nakapagtatakang wala raw nanalo nang araw na iyon. Sa tulong ng programang Kapuso mo Jessica Soho, sinuring mabuti ang ticket ni Lola Carmen na tanging ebidensya kung siya nga ba ang nanalo nang araw na iyon.

Sa kwento ni ng matanda, lucky pick lamang daw ang mga numero kung saan machine generated ang mga kombinasyon na lalabas sa ticket. Makikita rin daw ang mga letrang LP sa ticket na nangangahulugang lucky pick nga ito.

Sa kasamaang palad, walang LP ang ticket na ang ibig sabihin, si lola mismo ang namili at tumaya sa mga numero.

Ang isa pang malaking problema ay ang petsa ng ticket. Ang winning combination ay para sa Setyembre 23 ngunit Setyembre 25 ang nasa ticket ni lola Carmen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data

Nanlumo talaga si lola lalo pa at tila nalulubog na siya sa utang sa pang-araw araw na gastusin kasama na rito ang pagtataya sa lotto. Minsan pa nga raw, umaabot sa ₱300 ang nagagastos niya sa pagtaya lamang sa lotto sa isang araw.

Ngunit, minsan naman daw ay nananalo siya. Makailang beses na siyang nanalo ng ₱4,000-₱6,000 ngunit madalas, talo.

Kaya naman sinubukang ilaban talaga ni lola Carmen na siya dapat ang tinanghal na panalo noong Setyembre 23.

Nakarating pa ang pagbeberipika ng ticket sa PCSO ngunit talagang imposible raw ang iginiit ng matanda.

Kalaunan ay tinanggap na lamang ni Lola Carmen na di nga siya nanalo sa araw na iyon. Babawasan na rin daw niya ang labis na pagtaya sa lotto at iipunin na lamang niya ang pera para na rin makabayad na siya ng utang.

Likas na magaling daw kumanta ang mga Pilipino, totoo ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bong Revilla reveals his plans if he wins as senator in 2019 polls

Bong Revilla reveals his plans if he wins as senator in 2019 polls

Bong Revilla reveals his plans if he wins as senator in 2019 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel