Video ng BF na nagkunwaring naaksidente para sa wedding proposal, 14 million views na

Video ng BF na nagkunwaring naaksidente para sa wedding proposal, 14 million views na

- Nag-viral ang kakaibang wedding proposal na binahagi ng facebook user na si Mark Narcissus Apura

- Inakala ng GF na totoong naaksidente ang kasintahan na nakahandusay na sa kalsada

- Umabot sa 13 MIllion views ang naturang video na umani ng samu't saring komento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa dami ng gimik ngayon para sa isang wedding proposal, ito na ata ang tila masasabi nating kakaiba dahil sa una ay napaiyak ang bride-to-be sa sobrang nerbyos.

Sa video na binahagi ng netizen na si Mark Narcissus Apura, makikitang isang lalaki ang nakahandusay na sa kalsada sa tabi ng kanyang motor. Maya maya pa ay dumating ang isang babae na nakaangkas na sa motor at ito ay humahagulhol na.

Nalaman ng KAMI na ang lalaking nakahandusay ay ang nobyo na siyang may pakana ng kaguluhan sa Koronadal City in South Cotabato City.

Tinanong ng mga traffic enforcers ang nobya kung kilala niya ang lalaki, lalo naman g umiyak ang nobya.

Nang tinutulungan na nila ang lalaki na makatayo, laking gulat ng nobya nito nang nakagalaw ang nobyo at biglang may nilabas na maliit na kahon sabay luhod na ng lalaki.

Nahampas talaga ng nobya ang kanyang boyfriend dahil nga naman sa nerbyos na dinulot nito sa kanya sa pag-aakalang totoo itong naaksidente.

Nakuha naman ng nobyo ang matamis na oo ng kanyang bride-to-be na sinuot na rin ang singsing. Nagsabog naman ng confetti ang mga kasabwat sa tuwang tuwa rin sa eksena.

Samantala, habang ang ilang netizens ay kinilig sa kakaibang wedding proposal na ito, ang ilan naman ay di natuwa dahil raw di magandang biro ang magkunwaring naasidente pa. maririnig kasi ang iyak at hagulhol ng babae na labis nag-alala sa lalaki . Isa pa, makikita raw na sa gitna talaga ng kalsada sinagawa ang eksena, bagaman at di naman trafik, ngunit mayroon pa rin daw kaunting perwisyo na naidulot ito.

Gayunpaman, walang pagsidlan ng kasiyahan ang magkasintahan, maging ang mga netizens na nakapanood ng viral video nila. Katunayan, habang sinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 14 millions views ang view na in-upload noong Sabado, Setyembre 29.

Likas da na magagaling kumanta ang Pinoy, totoo ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel