Ball's top OOTDs! 10 Best-dressed Kapamilya leading ladies sa ABS-CBN Ball 2018

Ball's top OOTDs! 10 Best-dressed Kapamilya leading ladies sa ABS-CBN Ball 2018

Sa pinakamalaki at pinakamakinang na gabi ng Kapamilya network ay dumagsa ang mga nagagandahang mga binibini suot suot ang kani-kanilang mga mamahaling mga gowns o mga couture na mga damit.

Namangha tayo sa maraming colorful gowns na suot suot ng ating mga paboritong artista na rumampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2018.

Bukod sa mga kumikinang na mga damit, meron ding dumating suot ang fashion-forward na mga gowns at nakakawindang na mga estilo.

Ito na rin ay dahil walang specific theme para sa naturang ball.

Pero, gayunpaman, there will only be a few of the best-dressed women in the party, at nasulypan ng KAMI ang 10 sa kanila.

Ang listahang ito ay ayon sa MetroMagPh, kaya kilalanin na natin ang 10 best-dressed Kapamilya leading ladies sa listahang ito.

From top 10 to top 1:

10. Maymay Entrata

Ang PBB big winner na si Maymay Entrata ay umagaw na naman ng pansin sa kanyang gown para sa ball.

Kaya naman bumuhos ring ng samu't saring reaksyon at komento ang suot suot niya sa naturang event.

"This girl is on fire."
"The most detailed and meticulously made gown last night. So ethereal, breath taking. It will catch your attention and will make you look into every piece attached to it. Maymay carried it well. She looked very regal."
"Pang hollywood ang peg."

9. Bea Alonzo

Hindi naman nagpahuli ang "First Love" leading lady na si Bea Alonzo sa listahan ng best-dressed sa gabing iyon.

Heto naman ang ilan sa mga komento ng kanyang mga tagahanga:

"You look gorgeous in red gown."
"Stunner indeed!!! You and the gown "
"The perfect look at the 1st ABS-CBN Ball! You look stunning and elegant in red."

8. Nadine Lustre

Nasa 8th place naman ang better half ng Jadine na si Nadine Lustre, at ang mga fans niya bilib na bilib sa kanyang pagiging risk-taker.

"doesn’t conform to the norm and willing to take risk...only a queen "
"The one and only who could pull this off. Slayer and unique. Love it!"
"Haute couture"

7. Anne Curtis-Heussaff

Top 7 naman si Mrs. Heussaff, na si Anne Curtis, at hindi magkamayaw ang kanyang mga fans sa pagcocomment sa kanyang ball's OOTD look.

"You look like a fashion illustration!!"
"Black is freakin’ awesome on you Anne! Really Aussome!"
"very blake lively of the philippines"

6. Maricar Reyes

Elegant na elegant tingnan ang OOTD Ball look ni Maricar Reyes, kaya naman nasa top 6 siya sa listahan ng fashion magazine.

Agree na agree naman ang kanyang mga faney dito.

"Stunning and elegant"
"Beautiful"
"Best look for me!"

5. Kim Chiu

Sa 5th place ay ang Chinita Princess na si Kim Chiu.

Hindi din magkamayaw ang kanyang mga faney sa kakacomment sa napakagandang gown niya.

"Always the classy one! Very timely"
"Gown mo pinakabet ko sa lahat ng nag attend sa Ball "
"Marvelous and stunning"

4. Kathryn Bernardo

Nasa number 4th spot ang Queen of Hearts at ang bagong box office queen na si Kathryn Bernardo.

"She's stunning."
"Act like a real queen. I love her."
"I Love how she carry this!!! "

3. Liza Soberano

Ang head-turner ng every Star Magic Ball na si Liza Soberano ay nang-agaw na naman ng pansin dahil sa kanyang napaka daring at fashion-forward look.

Ibang-iba sa kanyang naunang mga OOTD looks sa naturang Ball.

Kaya naman bumuhos ang magagandang reaksyon galing sa mga netizens.

"Anastasia Steele? Gondo Grabe "
"Living barbie doll"
"Like a goddess."

2. Jodi Sta. Maria

Ang mother of one at lead actress ng Sana Dalawa ang Puso ay umagaw din ng pansin sa red carpet dahil sa kanyang new look.

"The gown fits perfectly and the seams are clean.."
"Classy and elegant. Love your over all look. You are so beautiful. Good job to your team."
"True glamour!"

1. Erich Gonzales

At ang nagwagi sa gabing iyon ay walang iba kung hindi ang The Blood Sisters lead star na si Erich Gonzales.

"Cinderella"
"Wow Megan Markle ang dating so simple yet so elegant & classy. Superb!!!"
"Simple but stunningly beautiful"

Sino ang bet nyo?

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel