Tatay na lasing, itinapon sa palaisdaan ang anak dahil daw sa pag-iyak nito

Tatay na lasing, itinapon sa palaisdaan ang anak dahil daw sa pag-iyak nito

-Isang lalaki ang inihagis ang sariling anak na 3 tatlong taong gulang pa lamang sa palaisdaan sa Binmaley, Pangasinan

-Tatlong minuto umanong nasa palaisdaan ang bata bago naiahon sa hanggang binting taas nito

-Ayon sa ulat, nahulihan pa umano ang lalaki ng 2 pakete ng hinihinalang shabu na agad na itinangggi ng suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahulihan umano ng 2 pakete ng hinihinalang shabu ang isang lalaki sa Binmaley, Pangasinan, na inireklamo ng kanyang asawa.

Ang lalaking ito na kinilalang si Darmo Tarectecan kasi, nang malasing, inihagis ang kanyang sariling anak sa palaisdaan dahil daw umiiyak ito.

Ayon sa ulat ng GMA News, ayon sa kinakasama nito, tatlong minuto pa umano ang lumipas bago naiahon ang tatlong taong gulang nilang anak sa hanggang binting taas ng palaisdaan.

"Itinapon 'yong anak ko sa harap ng bahay namin. Ewan ko po madam [sa dahilan], lasing na lasing madam," sabi ni Helen, ang kinakasama ng suspek.

Inamin naman ng suspek na dala ng kalasingan kaya niya naihagis ang kanilang anak sa palaisdaan ngunit itinanggi niya na kanya ang umano'y shabu na nahuli ng mga pulis sa kanya.

"Pagdating ko dito madam, inipit nila ako diyan ng apat na pulis tapos dalawang sibilyan, pinapahawakan sa akin yong parang puti,"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nanindigan naman ang mga awtoridad na wala silang inilalagay na droga sa suspek at karaniwan na umanong itinatanggi ng mga ito kapag may nahuhuling droga sa mga ito.

Samantala, ligtas naman ang bata na naihagis ng sariling ama at nasa maayos ng kalagayan.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media

Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media

Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel