Kapamilya Kim Atienza at Kapuso Jay Taruc, magkaibigang magkaribal ng istasyon

Kapamilya Kim Atienza at Kapuso Jay Taruc, magkaibigang magkaribal ng istasyon

- Tila hindi aakalain ng marami na dalawa sa kilala at respetadong mga host sa news department ng Kapamilya at Kapuso network ay matalik pa lang magkaibigan

- Nagbahagi nga ng isang larawan ang dating It's Showtime host na si Kim Atienza sa kanyang Instagram account

- Ito ay isang picture, kung saan kasama niya ang kilalang Kapuso news reporter at host na si Jay Taruc, na nilagyan niya ng caption na "Brothers"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi nila, hindi daw pwedeng maging magkaibigan ang mga kakompetisyon lalong lalo na ang mga celebrities ng Kapuso at Kapamilya network, ang dalawang istasyon na talagang magkaribal at pinagsasalpukan ng kani-kanilang mga solid supporters.

Pero lingid sa kaalaman ng mga die-hard fans ng bawat istasyon ay may mga pagkakaibigan na nabuo sa labas ng mga higanteng networks na ito.

At ang isang pagkakaibigan na hindi natin aakalain ay ang pagkakaibigan nina Kim Atienza at Jay Taruc.

Spotted ng KAMI ang isang larawan na binahagi ni Kim sa kanyang Instagram page, kung saan makikita siya kasama si Jay Taruc at kaharap nila ang kanilang mga motorsiklo.

Pareho pa lang nahihilig ang dalawa sa pagmomotor, at siguro dito nag-umpisa ang kanilang pagkakaibigan.

Sa caption ni Kim, nilagyan niya ito ng "brothers," referring sa kanya at ni Jay Taruc.

Ang ganda lang tingnan na pwedeng pwedeng maging magkaibigan ang mga stars ng magkaribal na network.

Dumagdag nga sina Kim Atienza at Jay Taruc sa listahan ng "Trabaho lang walang personalan! Walang inggitan sa pagitan ng mga Kapuso at Kapamilya star na ito," na una naming binahagi kamakailan lang.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalake, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Lalake, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel