5 babae sa Saudi Arabia nagrambulan; 2 musmos, basta na lamang binitiwan sa kalsada

5 babae sa Saudi Arabia nagrambulan; 2 musmos, basta na lamang binitiwan sa kalsada

-Kaawa-awa ang 2 batang nadamay pa sa away ng 5 babae sa Saudi Arabia

-Ang isang bata, basta na lamang binitiwan ng babaeng may hawak at 'di kalauna'y binitbit sa paa

-Hanggang sa huling bahagi na kuha ng video, patuloy pa rin ang mga ito sa kanilang rambulan habang ang 2 kaawa-awang bata ay basta na lamang nasa lapag ng kalsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang video na kuha ng isang motorista sa isang kalsada sa Saudi Arabia, makikita ang 5 babaeng nakasuot ng Burka habang nagrarambulan.

Ang mas nakakagulat dito, may 2 batang musmos pang kasama ang mga ito at nadamay na sa kanilang gulo.

Sa unang bahagi, makikita ang isang babae na basta na lamang ibinaba ang hawak na bata sa kalsada, habang may ilang sasakyan ang dumadaan dito.

Ilang sandali pa, padaskol na hinablot ng babaeng ito ang kawawang bata sa tagiliran at 'di rin nagtagal ay pabiglang ibinagsak muli. Tila hindi nito alintana na maaaring mabalian ang kanyang kasamang bata.

Samantala, ang isa pang babae ay may hawak na sanggol at tila wala rin pakialam na nakikipagbuno sa iba pang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maya-maya pa'y ibinaba na lamang din nito ang sanggol na hawak nito sa isang banda ng kalsada ta tsaka bumalik sa pakikipagrambulan.

Sa huling bahagi ng video, patuloy pa rin ang mga ito sa pagsasakitan at hindi na napansin pa ang mga paslit na kasama.

The Philippines is known for having countless awesome singers. Our team decided to check if this perception is true or false! Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga 'kalaro' umano niya ang nagligtas sa kanya, kwento ng batang nakaligtas sa sunog

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel