FEU, nakidalamhati sa pagkamatay ng kanilang estudyanteng nahulog sa 14th floor ng condo

FEU, nakidalamhati sa pagkamatay ng kanilang estudyanteng nahulog sa 14th floor ng condo

- Natagpuang patay ang 17 taong gulang na estudyante sa harap ng condominium na tinutuluyan nito

- Nakiramay ang unibersidad sa pagkawala ng Grade 11 na estudyante at na pinaniniwalaang tumalon daw sa ika-14 na palapag ng condominium

- Minsan na raw nabanggit ng di pinangalanang estudyante na may pinagdaraanan ito na maaring naging dahilan upang kitilin ang sariling buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiulat ng Inquirer noong Setyembre 26 ang natagpuang bangkay ng isang FEU student sa harap ng The Residences condominium.

Dahil dito, naglabas ang Far Easter University, ang paaralang pinapasukan ng Grade 11 na estudyante ng kanilang pahayag ukol sa nakakalungkot na pangyayari.

Ayon sa ulat ng Yahoo, nakikiramay ang unibersidad sa maagang pagkawala ng kanilang mag-aaral.

At dahil pinaniniwalaang tumalon at nagpakamatay ang 17 na taong gulang na estudyante, nangako ang paaralan na mas lalo nilang paiigtingin ang guidance, counseling, and mental health programs ng institusyon nang sa gayon di na humantong pa sa ganito ang pinagdaraanan ng kanilang mga mag-aaral.

Nalaman ng KAMI na minsan pa lang nabanggit ng estudyante sa kanyang mga kaibigan na may pinagdaraanan daw itong matinding problema ngunit di na ito nagbigay pa ng iba pang detalye.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito raw marahil ang dahilan bakit nagawa nitong tumalon mula sa ika-14 na palapag ng condominium na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Bandang 5:51 ng hapon nang makita ang katawan ng estudyante. Nadala pa raw ito sa Mary Chiles General hospital ngunit dineklara na itong dead-on-arrival.

Samantala, maging ang mga kamag-aral ng estudyante sa nasabing unibersidad at nag-alay ng dasal at panalangin para sa biktima.

Likas daw na magagaling kumanta ang mga Pinoy, totoo nga ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel