"Big switch, part 2!" 10 celebs na lumipat din daw ng ibang relihiyon

"Big switch, part 2!" 10 celebs na lumipat din daw ng ibang relihiyon

Una na naming ibinahagi sa inyo mga KAMI avid readers ang 10 famous Pinoy celebrities na lumipat raw ng relihiyon o pananampalataya.

Ang listahan ay una naming naispatan sa GMA News Online, at ngayon, ibabahagi namin ang 10 pa na mga celebrities na lumipat din daw ng ibang relihiyon, ayon na rin sa aming source media outlet.

1. Kim Atienza

Pagkatapos raw ng dalawang "near-death experiences," ng dating It's Showtime Host na si Kim Atienza ay nagdesisyon umano ito na magpaconvert mula sa pagiging Roman Catholic patungong Born Again Christian.

2. Piolo Pascual

Ayon pa sa balita, ang aktres na si Donita Rose daw ang naging tulay para maging Born Again Christian umano si Piolo Pascual.

Ito raw ay nangyari noong magsama ang dalawa sa isang pelikula noong 2003.

3. Angelu de Leon

Sa panayam daw ng CBN Asia kay Angelu de Leon, napagdesisyunan diumano ng Kapuso aktres na maging Born Again Christian pagkatapos raw ng mga pinagdaanan sa kanyang buhay.

4. Marco Alcaraz

Nagpaconvert din daw si Marco Alcaraz sa Born Again Christian tulad ng kanyang asawa, ang dating Miss International 2015 na si Lara Quigaman.

5. Janice de Belen

Si Janice de Belen naman daw ay diumano'y umanib sa Iglesia Ni Cristo nang magkaroon siya ng boyfriend na isa raw na INC member.

6. Aiko Melendez

2013 daw nang si Aiko Melendez ay naging Born Again Christian.

6. Snooky Serna

Lumipat daw sa Iglesia ni Cristo si Snooky Serna, at nakapagdesisyon daw siya tungkol rito pagkatapos umano niyang gumaling sa isang malalang sakit.

7. Mike Tan

Isa din daw si Mike Tan sa mga artista na diumano'y nagpabinyag bilang isang Born Again Christian, at ito ay ginanap noong July 31, 2016, sa CCF Mt. Makiling Recreation Center sa Sto. Tomas sa Batangas.

8. Bettina Carlos

Sumali raw sa Christ's Commission Fellowship (CCF) si Bettinna Carlos at simula raw noon ay malaki umano ang nagbago sa buhay niya.

9. Joyce Ching

Isang Katoliko raw Joyce, bininyagan daw sila sa Katoliko, ayon na rin umano sa ate ng Kapuso aktres, pero pinapractice diumano nila ngayon ay ang pagiging Born Again Christian.

Taong 2009 daw sila nagdesisyon na magpabinyag sa huli.

10. Billy Crawford

Ang dating It's Showtime host na si Billy Crawford ay nagpabinyag bilang Christian noong September 23, 2017.

Bago pa raw ang kanyang conversion, isa umano siyang Katoliko.

Una naming binahagi ang first 10 batch ng mga kilalang celebs na lumipat umano ng relihiyon o pananampalataya kamakailan lang.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel