Good news mga nanay! Aprubado na ng Bicam ang hanggang 120 maternity leave sa Pinas

Good news mga nanay! Aprubado na ng Bicam ang hanggang 120 maternity leave sa Pinas

-Aprubado na ang 105 paid maternity leave para sa mga babaeng empleyado ng gobyerno o pribadong sektor sa Pilipinas

-Para naman sa mga solo mothers, maaaring mag-avail ng karagdagang 15 days paid leave

-Sa isang Congressional bicameral conference panel inaprubahan ang panukala ngayong Lunes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos nga ang isang Congressional bicameral conference panel nitong Lunes, aprubado na ang 105 paid maternity leave para sa mga bababeng empleyado ng gobyreno o pribadong sektor sa bansa.

Mula sa dating 60-78 maternity leave, mas madadagdagan na nga ang bonding ng mga nanay sa kanilang bagong silang na sanggol.

Mula sa pinagsamanag Senate Bill No. 1305 and House Bill No. 4113, ang 7 araw mula sa 105 araw na maternity leave ay maaaring ilaan para sa paternal leave samantalang ang karagdagang 15 araw ay maaaring ma-avail ng solo mothers.

Si Akbayan Sen. Risa Hontiveros at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy ang siyang namuno sa panukalang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kapag napagtibay na ito sa Kongreso, maaari na itong ipasa sa Pangulo para sa pirma nito at para sa pagpapatibay sa batas.

Ayon naman kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, na isa din sa miyembro ng panel,

"At a time when women workers are increasingly crushed by the pressure of making ends meet amid rising prices, a longer paid maternity period is one of the few positive things that the government can enact. Pagkilala ito sa produktibong papel ng kababaihan sa ating ekonomiya"

Ayon pa dito, maaaring magmulta ang mga kompayang hindi susunod sa mas pinagbuting batas ng P20,000 mula sa dating P5,000.

The Philippines is known for having countless awesome singers. Our team decided to check if this perception is true or false! Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel