OFW, nalagasan daw ng ₱600,000 sa "pekeng" GF na nakilala lang sa Facebook

OFW, nalagasan daw ng ₱600,000 sa "pekeng" GF na nakilala lang sa Facebook

- ₱600,000 daw ang nalagas sa seaman na si Frederick Egea sa inakalang girlfriend niya sa Facebook

- Umabot ng isang taon ang pagpapadalaniya ng pera sa kanyang "girlfriend"

- Nito lamang Setyembre 8 nang malaman niya ang buong katotohanan na fake pala ang account ng inaakala niyang girlfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking pagsisisi at panghihinayang ang inabot ng 23 taong gulang na seaman sa naglabas ng halos ₱600,000 na halaga ng pera sa kanyang 'girlfriend' na nakilala sa Facebook.

Umabot sa mahigit isang taon ang pagpapanggap ng nakilalang si Angelica Miguel bilang si "Joana Mae Cruz". Ngunit, ang ginagamit niyang mga larawan ay sa isang babaeng nakilalang si Angelica Calanog.

Si Angelica Miguel ang ay leader umano ng fans ni Angelica Calanog sa Facebook. Lahat ito ay planado.

OFW, nalagasan daw ng ₱600,000 sa "pekeng" GF na nakilala lang sa Facebook

June 2017 nang inamin ni Frederick na na-in love siya kay "Joanna" kahit pa sa umpisa pa lang ay hinihingan na siya ng pera.

Ayon kay "Joanna" kinakailangan niya ang pera para sa tuition fee. Ang ilan naman sa binigay niya ay regalo at mga pam-personal na pangangailangan daw ni "Joanna".

Nalaman ng KAMI na patuloy ang ganitong sitwasyon ng kanilang relasyon hanggang sa umuwi ng Pilipinas si Frederick at handa nang makipagkita sana kay "Joanna". Ngunit nakapagtataka raw na naparami nitong dahilan kumbakit ayaw nitong makipagkita. ang pinakahuling alibi na ni "Joanna" ay nasa Tacloban siya.

Hanggang nito lamang Setyembre 8, sa ulat ng Rappler, umamin na si Angelica Miguel na scam lamang at fake ang account na ginamit ni para kay "Joanna".

Si Angelica Miguel nang aktwal na arestuhin ng pulis na bahagi ng Anti-Cybercrime Group operatives

At bilang si Angelica Miguel ay leader ng fans club ni Angelica Calanog sa Facebook, pinararating naman niya ang mga regalo rito.

Ang alam pa ng ina ni Calanog, galing ito sa pinsan ni Miguel na isang seaman na may gusto kay Calanog.

At ngayong nalaman na ni Frederick ang ang katotohanan, patuloy parin ang pangingikil ng pera ni Angelica Miguel at humirit pa ito ng ₱26,000. Kung di raw siya pagbibigyan, may masamang mangyayari kay Calanog.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito naalarma na si Frederick. Pumayag siyang makipagkita kay Angelica Miguel at dito narin ito nadakip ng kinauukulan.

Lumalabas din na di lang si Miguel ang nasa likod nang pangingikil na ito. Haharap sa kasong (Robbery), 315 (Swindling/Estafa), 318 (Other deceits) of the Revised Penal Code, and Republic Act 10175 for identity theft ang grupo nina Miguel.

Likas na mang-aawit daw ang mga Pinoy, totoo nga kaya? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel